Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,501 total reads

Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa.

Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya.

Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga programa lalo na sa mga panahon ng sakuna at kalamidad sa bansa.

“DJI Enterprise drones have become indispensable tools for public safety agencies including law enforcement, fire departments and search and rescue teams These drones provide aerial support in various emergencies as a first responder,” ayon kay Hung.

Kamakailan ay inilunsad ng DJI ang Dock 2 at Zenmuse H30 Series sa David Consunji Theater sa UP-ICE Main Building sa Quezon City na magagamit sa pagpapabilis ng mga gawain lalo na sa larangan ng search and rescue operations.

“DJI Products are designed to meet the rigorous demand of various industries by leveraging cutting-edge technology in their professional operation. DJI Products are redefining the industry, professionals in filmmaking, agriculture, conservations, search and rescue, and energy infrastructures,” sinabi ni Hung.

Itinampok dito ang iba’t ibang uri ng drones tulad ng consumer product range na kinabibilangan ng camera drone, consumer handheld imaging equipment, at professional imaging equipment gayundin ang DJI Agras, DJI Agricultural, DJI Logistics, at DJI Enterprise.

Tinalakay sa nasabing launching ang kahalagahan ng mga bagong drones na makatutulong mapabilis ang produksyon sa sektor ng agrikultura, sa public safety lalo’t pinangangambahan ang The Big One sa Metro Manila upang matiyak ang pagiging matibay ng mga gusali para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Matatandaang sa pagtitipon ng Pontifical Academy for Life kaugnay sa pag-usbong ng teknolohiya iginiit ni Pope Francis na dapat ang pag-unlad ng agham at teknolohiya ay ‘at the service of human dignity and integral human development.’

Iginiit ng santo papa na mahalagang masubaybayan ang mabilis na pagbabago at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng pag-usbong ng teknolohiya upang mapanatili ang pagiging balanse ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 72,414 total reads

 72,414 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 109,871 total reads

 109,871 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 144,000 total reads

 144,000 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 200,405 total reads

 200,405 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top