Parokya at mga katolikong institusyon, hinikayat ng Caritas Philippines na makilahok sa 10 Million Solar Rooftops Challenge

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,176 total views

Nakiisa ang Caritas Philippines sa 10 Million Solar Rooftops Challenge bilang bahagi ng misyon ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at itaguyod ang napapanatiling pag-unlad ng bansa.

Ang proyekto ay umani rin ng suporta sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at sa ginanap na 41st National Social Action General Assembly (NASAGA) na nagpapakita ng paninindigan ng simbahan sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Layunin ng 10 Million Solar Rooftops Challenge na maglagay ng solar panels sa mga bubong ng bawat tahanan sa bansa, na makatutulong upang mapababa ang carbon emissions at maisulong ang mas luntiang hinaharap.

Ang inisyatibo ay inilunsad ng iba’t ibang advocacy group, kabilang na ang Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) sa ginanap na Summit for Clean and Affordable Energy sa Quezon City.

“The initiative aims to significantly contribute to the nation’s renewable energy targets, reduce greenhouse gas emissions, and empower communities to become more climate resilient by fostering widespread adoption of solar rooftop systems,” ayon sa Caritas Philippines.

Naniniwala ang Caritas Philippines na ang inisyatibong ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagkamit sa mga layunin ng ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Bukod sa Caritas Philippines, kabilang din sa nagpahayag ng suporta sa 10 Million Solar Rooftops Challenge ang Power for People Coalition (P4P), Reboot Philippines, at Ateneo de Davao University, WWF-Philippines.

Sa ginanap na NASAGA noong Hunyo, inaprubahan sa pamamagitan ng resolusyon ang kahalagahan ng paglipat sa renewable energy upang mabawasan ang epekto ng climate change.

Dito’y hinihikayat ang lahat ng diyosesis sa buong bansa na manguna sa pagtangkilik sa renewable energy, gayundin ang panawagan sa pamahalaan na pagtibayin ang mga batas at polisiya para sa enerhiya.

Bilang bahagi ng pagsuporta sa inisyatibo, maglalagay ang CBCP at Caritas Philippines ng mga solar panel sa mga pamayanang walang kuryente, tinitiyak na maging ang mga pinakaliblib na lugar ay makikinabang sa renewable energy.

“We implore all Filipinos, especially parishes and church-based organizations, to actively participate in this challenge by investing in solar power and advocating for its benefits within their communities. Together, we can forge a cleaner, greener, and more sustainable future for all,” panawagan ng Caritas Philippines.

Sa Laudato Si’ ni Pope Francis, hinikayat nito ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy upang matugunan ang kakulangan sa kuryente, at palitan ang mga fossil fuels na nagdudulot ng pinsala sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 36,060 total views

 36,060 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 64,065 total views

 64,065 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 81,865 total views

 81,865 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 80,290 total views

 80,290 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 190,044 total views

 190,044 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,546 total views

 11,546 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top