Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyang pansin naman ang kalikasan, paalala ni Bishop Santos sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 14,675 total views

Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na pahalagahan at pangalagaan ang kalikasan, bilang pagpapakita ng pagmamahal sa biyayang ipinagkaloob ng Diyos.

Ayon kay Bishop Santos, ipinapakita ng kalikasan ang pagkakaugnay ng lahat ng bagay sa mundo partikular na sa aspeto ng buhay, bahay, at hanapbuhay na kadalasang hindi napapansin o binibigyang-halaga.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa isinagawang consecration o pagtatalaga ng Laguna de Bay nitong August 5, 2024 upang hilingin ang pangangalaga at paggabay ng Diyos sa sinumang daraan sa lawa.

“Ang ating ginawa ay ang pananalangin, pagbe-bendisyon, at pagtatalaga ng Laguna de Bay sa pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ito’y paraan natin upang sariwain ang pangako, na sa ating makakaya, tayo ay magiging tapat na tagapangalaga, tagapag-ingat ng kalikasan na pinaubaya sa atin ng Diyos, iniatang sa ating balikat,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Binigyang-diin ni Bishop Santos ang kahalagahan ng buhay bilang biyaya mula sa Diyos na dapat igalang at pangalagaan sapagkat ang bawat isa ay may pananagutan sa kapwa at kalikasan.

Tinukoy rin ng obispo ang kalikasan bilang bahay o tahanan kung saan nadarama ang kaligtasan at kaginhawaan, kaya marapat lamang na ito’y hindi pagsamantalahan o abusuhin dahil higit na mas malaki ang pinsalang maidudulot nito sa buhay.

Paliwanag pa ni Bishop Santos na ang kalikasan din ay nagtataglay ng iba’t ibang yaman na makatutulong sa tao sa pagkakaroon ng hanapbuhay upang patuloy na makausad sa buhay.

“Ang ating pamumuhay ay nakasalalay sa kalikasan. Kung ito’y masisira at mawawala, tayo rin ang mapapahamak. Kaya bigyan natin ng pagpapahalaga at palagi nating hilingin ang tulong, panalangin, at bendisyon ng Diyos, upang ipakita na kung saan ang binigay ng Diyos ay ating minamahal,” ayon kay Bishop Santos.

Kasabay rin ng pagtatalaga sa Laguna de Bay ay nag-alay rin ng panalangin si Bishop Santos sa lugar kung saan lumubog ang Motor Banca Aya Express na nagresulta sa pagkasawi ng 27-katao.

Saksi sa gawain ang mga pari at mananampalataya ng diyosesis lulan ng mga bangka, kasama ang mga imahen ng koronadang Nuestra Señora del Santissimo Rosario ng Cardona, Rizal; Sta. Ursula ng Libis, Binangonan, Rizal; at San Francisco ng Assisi, at Mahal na Birhen ng Lourdes ng Talim Island.

Magugunita sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na overloading ang dahilan ng paglubog ng MB Aya Express noong Hulyo 27, 2023 habang naglalayag patungong Talim Island.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 6,549 total views

 6,549 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 18,032 total views

 18,032 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 33,721 total views

 33,721 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 34,512 total views

 34,511 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 44,378 total views

 44,377 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top