Leachon, umaapela ng tulong sa CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,152 total views

Umaapela sa simbahan si Independent Health Reform Advocate Dr. Tony Leachon na hikayatin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na higit pang bigyang-pansin ang kapakanan ng taumbayan.

Sa liham, nananawagan si Leachon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na gamitin ang tinig upang maipabatid sa pamahalaan ang tunay na kalagayan at pangangailangang pangkalusugan ng mga bulnerableng mamamayan.

Ang apela ni Leachon ay kaugnay sa pagpapabalik ng higit-P89 billion labis na pondo ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) sa Bureau of Treasury.

Sinabi ni Leachon na ang boses ng simbahan ay makapangyarihan at may kakayahang ipagtanggol ang mga nasa laylayan ng lipunan.

“The Church has always been a powerful voice for the voiceless, a defender of the marginalized, and a protector of the weak… We must urge our leaders, especially President Ferdinand Marcos, Jr., to reconsider this decision and return the funds to PhilHealth, where they rightfully belong,” apela ni Leachon.

Bagamat may dahilan ang pamahalaan sa pagpapabalik ng labis na pondo para magamit sa iba pang programa, nangangamba si Leachon na maaari itong magdulot ng alalahanin lalo na sa kalusugan ng mamamayan.

Magugunita noong 2019 nang ipatupad ang Universal Health Care (UHC) Law na layong matulungang mapagaan ang pasanin ng taumbayan, lalo na ang mga mahihirap, sa pagkuha at pagtanggap ng serbisyong pangkalusugan.

Ipinaliwanag ni Leachon, na dating independent director ng PhilHealth, na nakapaloob sa UHC Law ang pagpapabuti at paglalaan ng sapat at wastong pondo sa state health insurer upang tiyak na matulungan ang mga miyembro nito.

“Diverting these resources away from their intended purpose undermines the very essence of the UHC Law and place an unbearable burden on those who are already struggling,” giit ni Leachon.

Umaasa ang health advocate na sa pamamagitan ng CBCP ay maliwanagan ang mga nasa katungkulan sa mga dapat higit na pagtuunan para sa ikabubuti ng pamumuhay ng mamamayang Pilipino.

“It is my hope that with your support, we can remind our leaders of the moral obligation we have to protect and uplift the lives of our fellow Filipinos,” panawagan ni Leachon kay Bishop David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 39,187 total views

 39,187 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 67,192 total views

 67,192 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 84,992 total views

 84,992 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 83,284 total views

 83,284 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 192,789 total views

 192,789 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,758 total views

 11,758 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top