Kongreso, hinamon ng opisyal ng CBCP na papanagutin ang nasa likod ng POGO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,650 total reads

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mabuting intensyon sa isinisagawang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan upang alamin ang katotohanan at kaugnayan ng ilegal na Philippine Offshore Gaming (POGO), paglabag sa karapatang pantao, Extra Judicial Killings, at illegal drugs na nagsimula sa nakalipas na administrasyong Duterte.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Episcopal Commission on Public Affairs ng CBCP, dapat na ipagpatuloy ang pagdinig kung ang intensyon ay mawakasan at matukoy ang mga may kinalaman sa mga ilegal na gawain.

“Kung ang imbestigasyong ginagawa ay para tuluyan ng wakasan ang POGO at matukoy kung sino ang mga taong nasa likod ng EJK, marapat lamang na ipagpa-tuloy ang Quad Committee investigation sa House of Representatives,” ayon kay Fr. Secillano.

“Hindi na dapat mag-atubili ang mga Kongresista at magpaligoy-ligoy pa. Alamin at papanagutin sana ang mga may kinalaman sa mga mapang-abusong gawain laban sa bansa at kapwa nating Pilipino,” dagdag pa ng pari.

Sa bisa ng resolusyon na pinagtibay sa Kamara, nilikha ang Quad Committee o pagsasama-sama ng apat na panel na nag-iimbestiga sa mga usapin kaugnay sa POGOs, extra judicial killings, karahasan, katiwalian, ilegal na droga at ang pagdagsa ng mga Chinese sa Pilipinas -na pawang may kinakaharap na kaso sa kanilang bansa at nagmamay-ari ng mga lupain sa bansa.

Ang QuadCom ay binubuo ng mga komite ng Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Barbers, ang Committee on Human Rights ni Rep. Bienvenido Abante, Committee on Public Order and Safety ni Rep. Daniel Fernandez, at ang Committee on Public Accounts na pinamumunuan naman Rep. Joseph Stephen Paduano.

Ginanap naman ang kauna-unahang pagdinig ng joint committee sa Bacolor, sa lalawigan ng Pampanga, ang probinsya kung saan ilang POGO hubs ang sinalakay ng mga otoridad, nakakumpiska ng bilyong pisong halaga ng ilegal na droga.
Binanggit ni Barbers sa kaniyang opening statement, nais matukoy ng joint panel ang POGO ay nagsilbing daan sa mga ilegal na gawain at kriminalidad sa bansa, na ang ilan ay binibigyang proteksyon pa ng ilang mga tiwaling pulis, at opisyal ng pamahalaan.

“POGOs, introduced under the guise of generating much-needed revenue, have instead revealed themselves as a curse, becoming gateways for syndicate members to enter the country as legitimate visitors, investors, or even citizens. This has been made possible by the countless agencies that issue visas and permits for a price, allowing these criminals to operate freely and with the protection of certain members of our own law enforcement agencies,” ayon kay Barbers.

Binigyan diin ng mambabatas na hindi maisasakatuparan ang mga ilegal na gawain na ito nang walang kasabwat na mga opisyal, kawani at pulis sa bansa.

Ayon pa kay Barbers, “As a result, drugs continue to flow into our country, and POGOs have become hubs for all manner of criminal activity, including kidnapping, murder, human trafficking, money laundering, and cybercrimes.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 7,822 total reads

 7,822 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 32,041 total reads

 32,041 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 68,542 total reads

 68,542 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 289,166 total reads

 289,166 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 323,392 total reads

 323,392 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top