Faith, fraternity at compassion, pasisiglahin sa Apostolic journey ng Santo Papa sa Indonesia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,882 total reads

Kasalukuyang nasa Indonesia ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pagsisimula ng kanyang ika – 45 Apostolic Journey.

Dumating ang santo papa sa Jakarta Soekarno-Hatta International Airport lulan ng papal flight ng ITA-Airways kasama ang ilang mamamahayag.
Kabilang sa delegasyon si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.

Bagamat tatlong porsyento lamang o walong milyon ang katoliko sa Indonesia makabuluhan ang pagbisita ni Pope Francis lalo na sa isasagawang interreligious meeting sa Istiqlal Mosque gayundin sa Tunnel of Friendship.

Makipagpulong din ang santo papa kay Indonesia grand imam Nasaruddin Umar na dadalo sa interfaith gathering gayundin ang pagdiriwang ng banal na misa sa Gelora Bung Karno Stadium complex kung saan tinatayang 80-libo ang inaasahang dadalo.

Nagagalak din si Jakarta Archbishop Cardinal Ignatius Suharyo Hardjoatmodjo sa pagbisita ni Pope Francis ang ikatlong santo papa na dumalaw sa bansa mula kay St Pope Paul VI noong 1970 at St. Pope John Paul II noong 1989.

Binigyang diin ng cardinal na napapanahon ang motto ng papal visit na ‘Faith, Fraternity, Compassion’ dahil sa magkakaibang pananampalataya, kultura at tradisyon ang mamamayan ng Indonesia.

Ito na ang pinakalamayo at pinakamahabang paglalakbay ni Pope Francis dahil sa loob ng 12 araw kung saan bukod sa Indonesia ay kabilang din sa Asia Pacific journey ng pinunong pastol ng mahigit isang bilyong katoliko ang mga bansang Papua New Guinea, Timor Leste, at, Singapore.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 26,879 total reads

 26,879 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,471 total reads

 50,471 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,621 total reads

 89,621 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,749 total reads

 123,749 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,155 total reads

 180,155 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top