Mamamayan, binalaan ng Obispo sa “deep fake” product endorsement online

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,669 total reads

Binalaan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang publiko hinggil sa kumakalat na product endorsement online gamit ang kanyang pangalan.

Hiniling ng obispo sa mamamayan na magkaisang i-report ang mga naturang social media account na nagtataglay ng mga deep fake created video materials upang makaiwas sa scam ang mamamayan.

“Please be aware that I do not endorse any product or religious material online. If you come across a video featuring my face and voice endorsing something, it is not me; it is a fake created by AI (artificial intelligence). Please disregard it,” ayon sa babala ni Bishop Uy.

Hinimok ni Bishop Uy ang mamamayan na magtulungang labanan ang mga maling impormasyon at deep fake videos upang hindi mabiktima ng fradaulent activities online.

“If you happen to encounter a post of me endorsing something, please do not click on the link they provided or you risk your account of being taken. Report the post and the page instead. Please share this important information to help prevent others from falling victim to these scammers,” dagdag ng obispo.

Kamakailan lang ay pinabulaanan din ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga fake endorsement online kahit na mga religious article.

Tinuran ng cardinal ang deep fake videos sa social media platform na Facebook kung saan makikitang nag-iendorso ito ng iba’t ibang produkto kabilang na ang religious articles na aniya’y binasbasan ng santo papa.

Ang Deepfake technology ay isang uri ng Artificial Intelligence na lumilikha ng convincing fake images, videos at audio recordings ng isang indibidwal.

Patuloy na pinag-iingat ng simbahan ang mananampalataya laban sa mga grupo at indibidwal na ginagamit ang pagkakilanlan ng mga cardinal, obispo, pari at mga institusyon ng simbahan para sa scam activities.

Ayon sa datos ng DataReportal nitong 2024 nasa 86.98 million ang internet users sa Pilipinas kung saan nangunguna ang Facebook sa pinakaginagamit na social media platform sa 86.75 million users.

 

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 26,909 total reads

 26,909 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 50,513 total reads

 50,513 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 89,659 total reads

 89,659 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 123,787 total reads

 123,787 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 180,193 total reads

 180,193 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top