Kabutihan ng yumaong si Bishop Emeritus Martirez, inalala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,210 total reads

Nagsilbing Ama na ginabayan ang mga batang pari at seminarista ang yumaong si San Jose de Antique Bishop Emeritus Raul Martirez sa Christ the King Parish, Green Meadows Quezon City.

Ito ang pag-alala ng dating Kura Paroko ng Saint John Paul II Parish Father Jose ‘Bong’ Tupino III sa yumaong Obispo.

“Siya yung tinuturing namin na tatay namin dito sa Christ the King at kahit mahina siya at madaling o madalas na may sakit lagi parin siyang masiyahin at kapag kaya niya yung mga imbitasyon lalung-lalu na sa mga misa at sacraments ay lagi siyang nakahandang umalalay, si Bishop Raul malapit sa mga Pari ng Diocese of Cubao kaya kilala namin siya, lagi namin siyang nakakasama din pag may mga pagkakataon na may activities sa Diocese,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Tupino.

Aminado ang Pari na bagamat labis ang kalungkutan ng Diyosesis ng Cubao ay masaya naman silang isipin na kasama na ng Panginoon si Bishop Martirez.

Panawagan ng Pari sa mga mananampalataya ang patuloy na pananalangin para sa kaluluwa ng yumaong Obispo at pati narin sa ikabubuti ng mga pastol ng simbahan sa Diyosesis ng Cubao.

“Pero si Bishop Raul kahit mahina siya, kahit may sakit sa paggising niya sa umaga makikita mo yung kaniyang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang kaniyang patuloy na tinatanggap kaya nagpapasalamat kaming lahat sa inyo na nakikinig at nagdadasal para kay Bishop Raul at sana ipagdasal niyo rin kaming lahat na mga Pari,” bahagi pa ng panayam kay Father Tupino.

Sumakabilang buhay si Bishop Martirez noong September 02, 2024 pasado alas onse ng gabi sa edad 86- taong gulang at inihatid sa huling hantungan noong ika-6 ng Setyembre 2024.

Naordinahan ang Obispo bilang Pari noong March 1961 sa Archdiocese of Capiz at itinalaga siya ni St. John Paul II bilang Obispo ng Antique noong January 5, 1983.

March 16 2002, makalipas ang mahigit dalawang dekadang pagsisilbi bilang Obispo ng Antique nag-retiro si Bishop Martirez at naging aktibo sa pagdiriwang ng mga banal na misa at pagtulong sa mga pamparokyang gawain ng Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 25,260 total reads

 25,260 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 47,900 total reads

 47,900 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 87,197 total reads

 87,197 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 121,325 total reads

 121,325 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 177,731 total reads

 177,731 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top