Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EILER, dismayado sa mababang wage hike

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,992 total views

Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na hindi sapat ang mabagal at mababang wage hike na ipinapatupad sa magkakaibang rehiyon sa bansa.

Inihayag ng EILER na ang mababang wage hike ay hindi makasabay sa mabilis na inflation rate na pinapataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ayon sa EILER, apektado ang purchasing power ng mga manggagawa ng mabilis na pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Kaugnay nito, inihayag ng EILER na napapanahon na ang pagpapatupad ng pamahalaan ng ‘Family Living Wage’.

“Further, these wage increases are insufficient to capacitate minimum wage earners to tide over the rising prices of basic goods. Wage increases are just ‘eaten up’ by the fast-rising prices. Hence, the purchasing power of workers stagnated in the face of inflation,” ayon sa mensahe ng EILER.

Iginiit ng EILER na dapat isaalang-alang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng wage increase kung nabibili pa ng mga manggagawa at pamilya ang mga pangunahing pangangailangan.
Binigyan diin din ng EILER ang pagsusulong ng dignidad ng mga mamamayan sa anumang desisyon na makakaapekto sa kabuhayan ng nakakarami.

“The crisis-level situation of minimum wages in the Philippines must be addressed immediately not just by the regional wage boards but the government-at-large. The government must veer away from crumb-like increases and set the minimum wage to living wage standards,” mensahe pa ng EILER.

Nanawagan ang EILER sa pamahalaan na pakinggan ang hinaing ng mga manggagawa dahil sa kanilang pag-aaral katuwang ang Ibon Foundation ay umaabot na ang Family Living Wage sa 1,131-pesos sa CALABARZON at hanggang 1,278-pesos naman sa Central Visayas Region.

Sa ipinatupad na wage increase sa CALABARZON, umaabot lamang sa 425 hanggang 560-pesos ang minimum wage.

Sa kaparehong wage hike sa Central Visayas Region na iiral sa Oktubre 2024 ay aabot naman sa 453 hanggang 501-pesos ang minimum wage hike kada araw.

Naunang kinundena ng mga labor group ang ipapatupad na wage hike na napakababa at insult para sa mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 51,753 total views

 51,753 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 97,476 total views

 97,476 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 99,686 total views

 99,686 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 171,197 total views

 171,197 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 179,898 total views

 179,898 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 3,521 total views

 3,521 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top