Bishop Maralit, buong-pusong tinanggap ang plano ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,844 total reads

Tiwala si out-going Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa plano ng Panginoon at pagtanggap sa bagong tungkulin na ini-atang sa kanya ng Santo Papa Francisco bilang bagong obispo ng Diyosesis ng San Pablo,Laguna.

Ibinahagi ni Bishop Maralit na bagamat may takot, pangamba, at bahagyang lungkot sapagkat kontento, payapa at masaya siya sa paglilingkod sa Diyosesis ng Boac ay buong puso niyang tinatanggap ang panibagong misyong pagpapastol sa mahigit tatlong milyong kawan ng Diyosesis ng San Pablo.

Inihayag ni Bishop Maralit na mahalagang maging bukas at buo ang tiwala ng bawat isa sa kaloob at plano ng Diyos upang ganap na dumaloy ang biyaya ng Panginoon.

“Kung ako ang tatanungin I’m at peace here sa aking diyosesis na pinaglilingkuran ngayon. Ako po ay masaya dito, I feel love, I love the people here, people are generous so ako ay may takot sa pupuntahan ko dahil hindi ko pa alam. I have fear, I have sadness in my heart pero if I want grace, dapat maging bukas muna at ang Diyos ang sentro and I believe thats the path na kapag ako ay sumunod ay mas marami pang biyaya ang papasok sa diyosesis na pinaglilingkuran ko ngayon sa Boac, baka mamaya ako pa nga ang hadlang.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Maralit.

Sinabi ng Obispo na nararapat maging handa ang bawat isa na tumugon sa tawag ng Diyos sa kabila ng anumang takot, pangamba o kawalang katiyakan.

Ayon kay Bishop Maralit, hindi dapat pagdudahan ng sinuman ang plano ng Panginoon sa halip ay magtiwala sa kaloob na biyaya ng Maykapal.

“In the same time kung ako ay hihindi baka ako naman ang nagiging hadlang ng biyayang para sa akin na ibinibigay ng Diyos. Hindi ko pa alam San Pablo kung magiging biyaya ako sa inyo but still I trust in God and I’m willing to open because my center is God and if my God is my center then I am willing to trust in Him fully.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.

Inanunsyo ng Vatican ang pagtatalaga kay Bishop Maralit bilang bago at ikalimang Obispo ng Diyosesis ng San Pablo noong ika-21 ng Setyembre, 2024 ganap na alas-dose ng tanghali oras sa Roma, isang taon makalipas na tanggapin ng Santo Papa ang pagbibitiw sa katungkulan ni Bishop-emeritus Buenaventura Famadico dahil sa kondisyong pangkalusugan.

Ang Diyosesis ng San Pablo ay ‘sede vacante’ sa loob ng isang taon na pansantalang pinangasiwaan bilang apostolic administrator ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.

Bukod sa pagsisilbi bilang Obispo ng Diyosesis ng Boac sa Marinduque ay kasalukuyan ding nagsisilbi si Bishop Maralit bilang chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications.

Sa kasalukuyan, walong Diocese sa bansa ang “sede vacante”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,553 total reads

 57,553 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,049 total reads

 144,049 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,086 total reads

 187,086 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 236,845 total reads

 236,845 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,305 total reads

 395,305 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top