Pangulong Duterte, hinimok na asikasuhin ang mga Filipino immigrant sa Amerika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 387 total views

Pinayuhan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag talikuran ang obligasyon na magmalasakit at tulungan ang ibang Filipino illegal immigrants sa Estados Unidos.

Ayon kay Bishop Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, bilang ama ng bansa tungkulin ng Pangulo na tulungan ang mga undocumented immigrants sa Amerika matapos ipatupad ang bagong immigration policies ni US President Donald Trump.

Iginiit ni Bishop Santos na dapat iwasan ng Pangulo ang pagpapahayag ng mga salita na maaring maka – apekto sa damdamin ng mga Overseas Filipino Workers na malaki ang nai-aambag sa pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

“Bilang ama (Pangulong Duterte) ng Pilipinas, bilang ama ng mga Pilipino, ipakita natin ang pagiging Pilipino, tulungan natin sila sa abot ng ating makakaya. Hindi naman tayo nangangako na tayo ay magiging tagapagligtas at magagawa natin ang lahat pero at least handa tayong dumamay na dapat tayong tumulong at ipakita natin ito ang puso ng Pilipino talagang tumutulong at hindi nang – iiwan hindi nagpapabaya sa kanilang kapwa Pilipino.”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Nabatid na ang halos 1.8 milyong Pinoy immigrants sa Amerika ang pangunahing pinanggagalingan ng mga dollar remittances sa Pilipinas kung saan noong 2016 nasa mahigit 8 bilyong dolyar ang naipadala nila sa bansa sa pamamagitan ng US financial system na nagpapasigla ng ekonomiya ng Estados Unidos.

Samantala, nauna na ring nagpahayag ng tulong si Los Angeles Archbishop Jose Gomez sa Office of Government and Community Relations na gumawa ng special website na naglalaman ng mga mahahalagang kaalaman ukol sa immigration.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 15,397 total views

 15,397 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 65,411 total views

 65,411 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 61,280 total views

 61,280 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 97,399 total views

 97,399 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 105,373 total views

 105,373 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 81,710 total views

 81,710 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,458 total views

 271,458 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top