“God’s mercy is mercy in action!”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,172 total reads

Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM).

Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang ninanais ng Panginoon na padaluyin ang kanyang walang hanggang awa sa sanlibutan.

“It’s mercy in action, I would like to remind the delegates after the experience of the love and mercy of God that they have felt must also be shared with others…good works should not be divorced from mercy,” pahayag ni Fr. Tao sa Radio Veritas.

Sa ikaapat na araw ng AACOM nagtungo ang mga delegado sa iba’t ibang mga parokya para sa kanilang immersion kung saan namahagi ito ng mga bundle of joy tulad ng bigas at iba pang pagkain sa mga kapus-palad.

Kabilang ang St. Joseph the Patriarch Parish sa mga napiling lugar sa immersion kung saan humigit kumulang sa 100 kataong nasasakop ng parokya ang pinagkalooban ng tulong.

Pinuri ni Fr. Tao ang gawain sapagkat ito ang isa sa mga konkretong hakbang upang maipadama sa kapwa ang habag at awa ng Panginoon lalo na sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Paliwanag ng pari na ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay dapat na maipapamalas sa pamamagitan ng paglingap sa kapwa partikular na ang mga mga mahihina at naisasantabing sektor ng pamayanan.

“We should also know that we are God’s instruments for other people’s prayer to be heard through our good action,” ani Fr. Tao.

Bukod sa St. Joseph the Patriarch Parish binisita rin ng mga delegado ang Archdiocesan Shrine of St. Therese of the Child of Jesus, Archdiocesan Shrine of the Most Sacred Heart of Jesus, Archdiocesan Shrine of San Nicolas de Tolentino, Archdiocesan Shrine of Our Lady of Lourdes, Our Lady of the Sacred Heart Parish, Our Mother of Perpetual Help Parish, Cebu Metropolitan Cathedral, at San Roque Parish.

Tema ng ikalimang AACOM ang Divine Mercy Pilgrimage of Hope in Asia kung saan bukod sa Pilipinas siyam ng mga bansa pa ang nagpadala ng delegado sa pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 19,065 total reads

 19,065 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 56,760 total reads

 56,760 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 74,971 total reads

 74,971 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 159,299 total reads

 159,299 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 195,760 total reads

 195,760 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,521 total reads

 2,521 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top