Kaligtasan ng mga Pilipino sa bagyong Kristine, ipinagdarasal ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,459 total reads

Ipinapanalangin ni Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao ang kaligtasan ng sambayanang Pilipino laban sa pinangangambahang epekto ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa.

Hinihiling ni Bishop Mangalinao na ang hagupit ng bagyo nawa’y hindi magdulot ng labis na pinsala at paghihirap sa buhay.

Bagkus, dalangin ng obispo na pagkalooban ng Panginoon ang bawat isa ng katatagan ng loob sa panahon ng pagsubok at panganib upang mapawi ang pangamba at muling makita ang liwanag ng pag-asa.

“O Panginoon naming Diyos,
papuri at pasasalamat sa Inyong kabutihan sa amin
lalo na sa patuloy Ninyong paggabay sa amin.

Sa aming paglalakbay Ikaw ang ilaw ng aming daraanan.
Sa aming pakikibaka sa buhay, Ikaw ang aming lakas.
Sa aming kahinaan, Ikaw ang muog ng buhay.

Muli na naman naming mararanasan
ang hagupit ng bàgyo na darating sa aming bansa;
Mangyari po na hindi ito makapinsala
sa bùhay at kabuháyan na Iyong kaloob sa amin.

Patuloy Mo po na kami ay yakapin
upang aming matamo ang lakas ng loob at tibay ng dibdib
sa ganitong pagkakataon sa buhay.

Panginoon, sa Iyo kami umaasa;
sa Iyo kami nananalig;
sa Iyo kami kumakapit.
Patnubayan Mo po kami. Amen.”

Ayon sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng Bagyong Kristine ang lakas nito habang kumikilos patungong Kanluran Hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa Silangan ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km/h.

Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa buong Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley maliban sa Batanes, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, hilaga at silangang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at hilagang-silangang bahagi ng Sorsogon.

Signal No. 1 naman sa Batanes, Babuyan Islands, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, nalalabing bahagi ng Quezon, Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, nalalabing bahagi ng Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands, Aklan, Capiz, Antique kabilang ang Caluya Islands, Iloilo, Guimaras, mga hilagang bahagi ng Negros Occidental at Negros Oriental, hilaga at gitnang bahagi ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, mga nalalabing bahagi ng Eastern Samar at Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 4,840 total reads

 4,840 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 15,182 total reads

 15,182 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 56,153 total reads

 56,153 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 90,280 total reads

 90,280 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 146,686 total reads

 146,686 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,123 total reads

 178,123 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top