Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,517 total reads

Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.

Matutunghayan dito ang mga pagninilay at katesismo ng mga exorcist priest mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Sa November 1, ibabahagi ng mga exorcist priest mula sa Archdiocese of Manila—Fr. Jose Francisco “Jocis” Syquia, ang chief exorcist at director ng Office of Exorcism, at Dominican Father Winston Cabading—ang paksang “Spiritual Warfare and Protection” sa ganap na alas-7 hanggang alas-9 ng umaga.

Susundan ito ng pagpapaliwanag ni Pasig exorcist priest, Fr. Daniel Estacio, hinggil sa “Dalawang Araw na Paggunita sa mga Yumao: Mga Paniniwala at Kahalagahan ng Panalangin” mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.

Alas-12 ng tanghali naman, pangungunahan ni Radio Veritas president, Fr. Anton CT. Pascual, ang Banal na Misa sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Pagkatapos nito, ibabahagi ni Fr. Roberto “Bobby” dela Cruz, minister ng Ministry on Visions sa ilalim ng Commission on Extraordinary Phenomena ng Archdiocese of Manila, ang paksang “Forgiveness and Healing” mula ala-una hanggang alas-2 ng hapon.

Sa November 2, mula alas-10 hanggang alas-11 ng umaga, magbibigay ng pagninilay si Diocese of Cabanatuan exorcist priest, Fr. Jestoni Macapas tungkol sa konsepto ng “Ghost Hunting”.

Samantala, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, tatalakayin naman ni Diocese of Antipolo exorcist priest, Fr. Felipe Pedraja ang paksang “House Infestation and Wandering Soul”.

Mapapakinggan ang special program ng Veritas 846 sa DZRV 846 kHz AM at mapapanood sa DZRV846 facebook page, Veritas PH sa YouTube, at Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Maaari ring mag-alay ng panalangin para sa mga yumaong mahal sa buhay na isasama sa Healing Mass sa Veritas sa alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.

Makipag-ugnayan lamang sa Veritas 846 Religious Department sa (02) 8925-7931 to 39 locals 129, 131, at 137 o mag-text sa 0917-631-4589.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 72,443 total reads

 72,443 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 109,899 total reads

 109,899 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 144,028 total reads

 144,028 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 200,433 total reads

 200,433 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,679 total reads

 179,679 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top