UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,424 total views

Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan.

Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1 at All Souls’ Day o Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay sa November 2.

Ipinaliwanag ni Bishop Maralit na ang salitang “Undas” ay hango sa salitang Kastilang “Honras,” na nangangahulugang pagpaparangal at paggunita.

Ayon sa obispo na para sa mga Katoliko, ang Undas ay hindi lamang tradisyong pagbisita sa mga puntod kundi isang pagkakataon upang ipakita ang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-alala sa mga yumao bilang bahagi ng Simbahan at pamayanan.

“Ang gawi nating ito bilang mga Katoliko ay patungkol sa “pagpaparangal at pag-alala” sa lugar at halaga ng mga Yumao sa ating buhay at pagiging Simbahan,” pahayag ni Bishop Maralit sa panayam ng Radyo Veritas.

Hinimok ni Bishop Maralit ang bawat isa na gunitain ang araw ng mga banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng panalangin para sa sarili at para sa kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.

Binanggit ng obispo na ang buhay ng mga santo ay nagsisilbing halimbawa ng kabanalan na dapat tularan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos tungo sa buhay na walang hanggan.

“Humiling tayo sa kanila ng panalangin para sa atin at sa mga mahal nating yumao. Huwag kalimutan ang halimbawa ng kanilang kabanalan sa pagsunod sa kalooban ng Diyos sa kanilang mga buhay na daan sa kaluwalhatiang walang hanggan,” ayon kay Bishop Maralit.

Dagdag pa rito, inaanyayahan din ni Bishop Maralit ang lahat na bisitahin ang puntod ng mga yumaong mahal sa buhay bilang pagpapakita ng pagmamahal at pag-alala sa kanila.

Gayunman, sakaling hindi pisikal na makabisita, ipinapaalala ng obispo na mas mahalaga ang pananalangin at pag-aalay ng Banal na Misa para sa kanilang kaluluwa.

Sa ganitong paraan, aniya, patuloy na napaparangalan at naaalala ang mga mahal sa buhay, at pinapanatili ang pagkakaugnay sa kanila sa pamamagitan ng pananampalataya.

“Ipagpatuloy ang “pag-alala” sa kanila lalo’t higit sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aalay ng Banal na Misa para sa kanila. At kung hindi man nga natin mapuntahan ang kanilang mga libingan, basta huwag makakalimot na manalangin para sa kanilang mga kaluluwa,” saad ni Bishop Maralit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,043 total views

 46,043 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,912 total views

 41,912 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,114 total views

 78,114 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,851 total views

 86,851 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,275 total views

 112,275 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top