Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,350 total reads

Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change.

Iginiit ni Garganera na mas pinapalala ng pagmimina ang panganib, dahil ang pagkaubos ng kagubatan ay nagiging sanhi ng pagguho ng lupa at malawakang pagbaha, lalo na tuwing may malalakas na pag-ulan.

Ginawa ng grupo ang panawagan kasabay ng paggunita sa ika-11 anibersaryo ng pananalasa ng Bagyong Yolanda o Typhoon Haiyan, na nag-iwan ng matinding pinsala sa buhay ng milyon-milyong Pilipino.

“Government should rethink its policy of revitalizing the mining industry given the vulnerability of the Philippines to typhoons and heavy rainfall,” ayon kay Garganera.

Hinikayat din ni Garganera ang pamahalaan na higit na tutukan ang pagpapatupad sa climate change adaptation and mitigation.

Dagdag pa ng opisyal na bukod sa kahandaan sa mga sakuna, mahalaga ring ihinto ang mga gawaing nagpapalala sa epekto ng bagyo, tulad ng pagmimina.

“In particular, we should not only become better at disaster preparedness, we should also stop activities that make the impacts of typhoons even more disastrous,” saad ni Garganera.

November 8, 2013 nang nanalasa ang Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas at mga karatig na lalawigan, na kumitil sa buhay ng mahigit 6,000 katao.

Una nang hiniling ni Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, sa mga mambabatas na unahin ang kapakanan ng kalikasan at mga pamayanang madalas na biktima ng mga sakuna, sa halip na pahintulutan at suportahan ang mga mapaminsalang industriya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 60,506 total reads

 60,506 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 104,818 total reads

 104,818 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 141,817 total reads

 141,817 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 248,694 total reads

 248,694 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 290,369 total reads

 290,369 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 110,575 total reads

 110,575 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top