Isabuhay ang corporate social responsibility

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 389 total reads

Ito ang naging panawagan ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo sa mga oil companies na nagtatakda ng presyo ng langis na nagdudulot ng dagdag pasanin sa mga drivers at commuters.

Ayon kay Bishop Arigo, mga ordinaryong commuters ang apektado sa pisong dagdag pasahe sa mga jeep ngayong araw bilang provisional o pansamantalang increase para lamang maibsan ang hinaing ng mga drayber at operator ng jeep dahil sa sunod – sunod na oil price increase.

Sinabi ng Obispo na marapat silipin at alamin ng gobyerno ang napakalaking kinikita ng mga oil companies sa halip na ipasa ang mabigat na pasanin sa transport sector at taumbayan.

“Tama rin yung panawagan ng mga jeepney drivers kasi pagkakalaki naman ng income ng mga oil companies. Yun ang dapat na silipin kaya kung kailangan minimal lang talaga yung mga increase ng mga cost ng fuel. Para isakripisyo muna yung kanilang income dahil meron naman silang corporate social responsibility na i – practice nila and not just word.” pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol.

Nauna na ring naglunsad ng nationwide strike noong nakaraang Lunes ang mga transport group upang tutulan ang pag – phase out sa 15 taon ng jeep lalo na at nasa 600 libong PUJ drivers at 250 libong operators ang maapektuhan ng modernization o corporatization sa mga pampasaherong jeep.

Samantala, nakasaad sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika na kailangang isaalang – alang ang kabutihang pangkalahatan o common good sa anumang paggalaw ng presyo o pasahe sa mga merkado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 106,023 total reads

 106,023 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 140,793 total reads

 140,793 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 174,927 total reads

 174,927 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 231,331 total reads

 231,331 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 322,276 total reads

 322,276 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 428,361 total reads

 428,361 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top