VeritasPH

The Word, The Truth

Bibliya, huwag gamitin sa pagsusulong ng death penalty

SHARE THE TRUTH

 207 total views

Maaring magdulot ng malawak na problema sa lipunan ang pagbabalik ng death penalty dahil sa palpak na Justice System ng Pilipinas.

Ito ang pangamba ni Diocese of Caloocan Bishop Pablo Virgilio ‘Ambo’ David – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church sa pagpupumilit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sa pagbabalik ng capital punishment sa bansa.

Ayon sa Obispo, hindi makatarungan ang panukala lalo na para sa mga mahihirap na walang sapat na kaalaman at kakayahan upang maipagtanggol ang sarili sa hukuman.

“Kasi meron ngang problema talaga tayo sa ating justice system aminado tayo dun, kung may problema ang justice system tapos gagawin mo pang legal ang Death Penalty baka lalo tayong magkaroon ng malaking problema, ibig sabihin mas madali para sa mga dukha na mapatawan ng Death Penalty kasi walang pambayad ng abogado.” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Una nang inihayag ng Amnesty International na nasa 140- mga bansa ang una ng nagbuwag sa kanilang parusang kamatayan dahil sa kabiguan nitong malutas ang kriminalidad.

Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty sa bansa kung saan pinababa sa habang buhay na pagkakulong ang ipinataw sa may higit isang libong preso na may parusang kamatayan.

Bukod dito sa ilalim rin ng Arroyo Administration lumagda ang Pilipinas sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na Death Penalty.

Kaugnay nito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mamamayan na pagnilayan, magdasal at manindigan laban sa death penalty,ejk at abortion.

read: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-umaapela-ng-panalangin-pagkilos-laban-sa-death-penalty/

Samantala nanawagan rin si Bishop David na siyang dating Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate sa ilang mga mambabatas na ginagamit ang Banal na Bibliya sa pagsusulong ng Death Penalty na ganap na unawain ang nilalaman nito sapagkat kasabay ng unti-unting pag-usbong ng kamalayan ng isang tao sa mabuting salita ng Diyos ay ang paglalim rin ng moralidad at kaalaman nito sa tama at mali.

“Para sa ating mga Kristiyano kailangan alam din nating basahin ang Bibliya, ibig sabihin unti-unti ang pag-usbong ng kamalayan ng tao, ng kanyang moralidad, ng kanyang kaalaman tungkol sa tama at mali…” panawagan ni Bishop David.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 15,525 total views

 15,525 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 23,570 total views

 23,570 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 28,650 total views

 28,650 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 34,356 total views

 34,356 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 43,144 total views

 43,144 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 2,265 total views

 2,265 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 2,444 total views

 2,444 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 6,512 total views

 6,512 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 7,362 total views

 7,362 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 7,716 total views

 7,716 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 21,939 total views

 21,939 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 15,108 total views

 15,108 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 14,782 total views

 14,782 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 19,276 total views

 19,276 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 19,681 total views

 19,681 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

 21,161 total views

 21,161 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa. Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

 21,280 total views

 21,280 total views Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa. Pagbabahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 19,735 total views

 19,735 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Tagbilaran Cathedral, kinilala ng NHCP

 18,735 total views

 18,735 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Diocesan Shrine and Cathedral-Parish of Saint Joseph the Worker sa Tagbilaran, Bohol o mas kilala bilang Tagbilaran Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa harapang bahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Say no to divorce, panawagan ng Obispo sa mamamayan

 18,204 total views

 18,204 total views Manindigan sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa kabila ng mga taliwas na opinyon ng iba o ng mas nakararami. Ito ang panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy kaugnay sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ayon sa Obispo, ang moralidad at paninindigan sa isang usaping panlipunan ay hindi dapat na ibatay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top