Bibliya, huwag gamitin sa pagsusulong ng death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 414 total views

Maaring magdulot ng malawak na problema sa lipunan ang pagbabalik ng death penalty dahil sa palpak na Justice System ng Pilipinas.

Ito ang pangamba ni Diocese of Caloocan Bishop Pablo Virgilio ‘Ambo’ David – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Cultural Heritage of the Church sa pagpupumilit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado sa pagbabalik ng capital punishment sa bansa.

Ayon sa Obispo, hindi makatarungan ang panukala lalo na para sa mga mahihirap na walang sapat na kaalaman at kakayahan upang maipagtanggol ang sarili sa hukuman.

“Kasi meron ngang problema talaga tayo sa ating justice system aminado tayo dun, kung may problema ang justice system tapos gagawin mo pang legal ang Death Penalty baka lalo tayong magkaroon ng malaking problema, ibig sabihin mas madali para sa mga dukha na mapatawan ng Death Penalty kasi walang pambayad ng abogado.” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Una nang inihayag ng Amnesty International na nasa 140- mga bansa ang una ng nagbuwag sa kanilang parusang kamatayan dahil sa kabiguan nitong malutas ang kriminalidad.

Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty sa bansa kung saan pinababa sa habang buhay na pagkakulong ang ipinataw sa may higit isang libong preso na may parusang kamatayan.

Bukod dito sa ilalim rin ng Arroyo Administration lumagda ang Pilipinas sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na Death Penalty.

Kaugnay nito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mamamayan na pagnilayan, magdasal at manindigan laban sa death penalty,ejk at abortion.

read: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-umaapela-ng-panalangin-pagkilos-laban-sa-death-penalty/

Samantala nanawagan rin si Bishop David na siyang dating Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate sa ilang mga mambabatas na ginagamit ang Banal na Bibliya sa pagsusulong ng Death Penalty na ganap na unawain ang nilalaman nito sapagkat kasabay ng unti-unting pag-usbong ng kamalayan ng isang tao sa mabuting salita ng Diyos ay ang paglalim rin ng moralidad at kaalaman nito sa tama at mali.

“Para sa ating mga Kristiyano kailangan alam din nating basahin ang Bibliya, ibig sabihin unti-unti ang pag-usbong ng kamalayan ng tao, ng kanyang moralidad, ng kanyang kaalaman tungkol sa tama at mali…” panawagan ni Bishop David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 22,281 total views

 22,281 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 28,410 total views

 28,410 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 58,552 total views

 58,552 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 78,910 total views

 78,910 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 99,538 total views

 99,538 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 5,865 total views

 5,865 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 5,823 total views

 5,823 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »
Scroll to Top