Impeachment complaint laban kay VP Duterte nasa Senado na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,328 total reads

Inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa huling araw ng sesyon ng Kamara.

Ang hakbang ay dulot ng mga paratang laban sa kanya, kabilang ang pakikipagsabwatan upang ipapatay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., malawakang katiwalian, pang-aabuso sa pondo ng gobyerno, at pagkakasangkot sa mga extrajudicial killings.

Ayon sa ulat, 215 mambabatas ang bumoto pabor sa pitong Articles of Impeachent laban sa Bise Presidente.

Ang hakbang ay magiging daan para sa paglilitis sa Senado, kung saan haharapin ni Duterte ang kaso sa Impeachment Court.

Itinalaga naman ng Kamara ang 11-mambabatas na tatayo bilang Prosecution Panel na binubuo nina Rep. Gerville R. Luistro, Romeo Acop, Rodge Gutierrez, Joel Chua, Jil Bongalon, Loreto Acharon, Marcelino Libanan, Arnan C. Panaligan, Ysabel Maria J. Zamora, Lorenz R. Defensor, at Jonathan Keith T. Flores.

Ang impeachment complaint laban kay Duterte ay nakatuon sa anim na pangunahing paratang na kinabibilangan ng: Pakikipagsabwatan sa Planong Pagpaslang; Paglustay sa P612.5 Milyong Confidential Funds; Panunuhol at Katiwalian sa DepEd; Hindi Maipaliwanag na Yaman at Pagkabigong Ipagbigay-alam ang mga Ari-arian; Pagkakasangkot sa Extrajudicial Killings (Davao Death Squad); at Destabilization, Insurrection, at Public Disorder

Makaraang pagtibayin sa Mababang Kapulungan, agad na ipinadala ni Speaker Romualdez ang mga Articles of Impeachment sa Senado, kung saan haharapin ng Pangalawang Pangulo ang paglilitis sa Impeachment Court.

Kinakailangan na lamang ng two-thirds vote ng Senado upang hatulan at tanggalin si Duterte sa puwesto.

Sakaling mapatunayang nagkasala, siya ay hindi na maaring humawak ng anumang pampublikong posisyon sa hinaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 90,755 total reads

 90,755 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 126,892 total reads

 126,892 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 161,024 total reads

 161,024 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 217,429 total reads

 217,429 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top