Misa, inialay sa paggunita ng Ika-25 taong anibersaryo ng pagiging martir ni Fr.Gallardo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,122 total views

Pinangunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., CMF ang Banal na Misa bilang pagsisimula ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagiging martir ni Claretian missionary Fr. Rhoel Gallardo.

Ginanap ang pagdiriwang sa Gallardo Hall ng Claret School sa Quezon City, nitong February 6, kasabay ng paggunita kay San Pedro Bautista, martir at isa sa mga nagpalaganap ng pananampalataya sa ngayo’y kinasasakupan ng Diyosesis ng Cubao.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ayuban, maituturing na biyaya mula sa Diyos ang pagkakataong sabay na gunitain ang dalawang martir na nag-alay ng buhay para sa pananampalataya.

“I am a witness to the life of Fr. Rhoel. We were together in the seminary and it’s very providential that we celebrate this launching on the occasion of the feast of St. Pedro Bautista, also a martyr, and one of the founders of the Church of Cubao,” ayon kay Bishop Ayuban.

Si Fr. Gallardo, kasama ang ilang guro at mag-aaral ng Claret School of Tumahubong at mga karatig na paaralan sa Basilan, ay binihag ng grupong Abu Sayyaf at dinala sa kampo ng mga rebelde sa Bundok Punoh Muhadji.

Sa loob ng 44 na araw, dumanas sila ng matinding pagpapahirap hanggang sa tuluyang magbuwis ng buhay si Fr. Gallardo noong May 3, 2000, sa edad na 34—halos limang taon matapos ordinahan bilang pari.

Samantala, matapos ang Misa ay isinagawa naman ang media launching at press conference para sa pelikulang “In Thy Name” na naglalayong ipakita ang pagmimisyon at pag-aalay ng buhay ni Fr. Gallardo alang-alang sa pananampalataya.

Hinikayat ni Bishop Ayuban ang lahat na suportahan at panoorin ang pelikula at gawing inspirasyon ang buhay ng paring martir, na buong pusong sumunod kay Kristo.

“It would bring us a lot of insights, how Fr. Rhoel offered his life, how he denied himself, how he took up his cross and followed the Lord until the last drop of his blood. It would inspire us to be more dedicated missionary disciples following the footsteps of Jesus Christ,” saad ni Bishop Ayuban.

Gagampanan ng aktor na si McCoy de Leon ang buhay ni Fr. Gallardo, kasama sina JC de Vera, Mon Confiado, Jerome Ponce, Aya Fernandez, at marami pang iba.

Ang pelikula ay likha ng Viva Films at GreatCzar Productions sa direksyon nina Cesar Soriano at Rommel Galapia Ruiz, at nakatakdang ipalabas sa March 5, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 11,841 total views

 11,840 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 86,454 total views

 86,454 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 166,534 total views

 166,533 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 209,672 total views

 209,672 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 210,034 total views

 210,033 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top