Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

ATM, dismayado sa mabilisang pagkapasa sa Senado ng Mining Fiscal Regime bill

SHARE THE TRUTH

 5,466 total views

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa mabilisang pagpasa ng Senado sa Mining Fiscal Regime Bill, na nagpapakita ng higit na pagpanig sa malalaking kumpanya ng pagmimina, sa halip na pagtuunan ang kapakanan ng taumbayan.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, ikinalulungkot ng grupo ang agad na pagpapadala ng panukalang batas sa bicameral committee para sa karagdagang deliberasyon, nang hindi man lamang kinokonsulta ang mga environmental at transparency groups.

Iginiit ni Garganera na ang nasabing Senate bill ay hindi ang sinusuportahang bersyon ng mga makakalikasang grupo noong nagsimula ang kasalukuyang kongreso.

“This is a win for the mining industry, but a great loss for Filipinos, Philippine biodiversity and the country’s economy,” ayon kay Garganera.

Inihayag ni Garganera na binabaan ng bagong panukalang batas ang tax rates, kaya’t mas kaunting buwis ang makokolekta ng pamahalaan mula sa mga minahan.

Dagdag pa nito na labis na mataas ang itinakdang formula para sa windfall profit tax na imposible nang makakolekta pa ang pamahalaan ng karagdagang buwis.

Binatikos din ni Garganera ang limang taong palugit bago ipatupad ang export ban sa raw nickel ores dahil sa pangambang humantong ito sa mas mabilis na pagmimina, pagkasira ng kalikasan, at pagpapaalis sa mga apektadong komunidad.

“The 5-year window prior to the ban on the export of raw nickel ores will only make miners fast-track their extraction, which will result in more mining projects, more destruction of our ecosystems and more displacement of affected communities, but with reduced taxes and revenues from mining,” saad ni Garganera.

Una nang binigyang-diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ na tungkulin ng pamahalaan na pagtibayin ang pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan at sa mahihirap na mamamayang apektado ng pagkasira ng kapaligiran.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,289 total views

 6,289 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,389 total views

 14,389 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,356 total views

 32,356 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,715 total views

 61,715 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,292 total views

 82,292 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,699 total views

 7,699 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 8,992 total views

 8,992 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,391 total views

 14,391 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,373 total views

 16,373 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top