Papal Nuncio to the Philippines, nanawagan ng suporta sa Walk for Life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,237 total reads

Hinimok ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mga Pilipino na suportahan ang mga gawaing naglalayong isulong ang dignidad at kahalagahan ng buhay.

Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown nahaharap sa maraming banta ang buhay ng tao mula sa mga isinusulong na batas na lumalabag sa kasagraduhan ng buhay hanggang sa iba’t ibang uri ng karahasan sa lipunan.

Binigyang diin ng nuncio na mahalagang suportahan at makiisa ang mamamayan sa Walk for Life bilang paninindigan sa buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

“In the face of all the threats to the sanctity of life from conception to natural death that exist today, the annual Walk for Life shows the world that we are children of light and children of life. Please participate in this worthy manifestation of our commitment to the protection of human life in all its stages,” pahayag ni Archbishop Brown sa panayam ng Radio Veritas.

Muling isasagawa ang taunang Walk for Life sa February 23, araw ng Linggo, na inisyatibo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine Episcopal Commission on the Laity sa pamamagitan ng implementing arm nito na Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Magsisimula ang pagtitipon sa Lawn C o Flower Park Area ng Rizal Park sa alas kuwatro ng madaling araw at sama-samang magprusisyon patungong Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral habang nananalangin ng Santo Rosaryo.

Sa alas singko ng umaga isasagawa sa Manila Cathedral ang maiksing programa kung saan magbibigay ng panayam sina kontra aborsyon advocate Benita Javier, Prolife Dr. Ryan Capitulo, at Human Life International Philippine Country Director Dr. Rene Bullecer.

Sa alas 6:30 ng umaga naman magkakaroon ng Banal na Misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula kasama sina Dipolog Bishop Severo Caermare, ang chairperson ng CBCP Commission on the Laity at Commission on Family and Life Chairperson, Paranaque Bishop Jesse Mercado.

Inaasahan ding dadalo sa pagtitipon sina San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Malaybalay Bishop Noel Pedregosa at San Fernando La Union Bishop Daniel Presto gayundin ang mga pari mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.

Katuwang ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa Walk for Life ngayong taon ang CBCP Episcopal Commissions on the Laity and Family and Life, Office for the Promotion of the New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila, Manila Cathedral at Radio Veritas.

Matutunghayan at mapakikinggan ang Walk for Life:Walk for Hope 2025 sa Radio Veritas 846, DZRV 846 Facebook page at Veritas TV Sky Cable 211 mula alas kuwatro ng madaling araw hanggang alas otso ng umaga.

UNDAS 2026, generally peaceful

 12,446 total reads

 12,446 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 23,128 total reads

 23,128 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 72,880 total reads

 72,880 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 232,073 total reads

 232,073 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 259,234 total reads

 259,234 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 292,403 total reads

 292,403 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top