Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Misa para sa kagalingan ni Pope Francis, pinangunahan ni Cardinal David

SHARE THE TRUTH

 8,733 total views

Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang Banal na Misa upang hilingin ang kagalingan ni Pope Francis.

Ginanap ang pagdiriwang nitong February 20, sa Cathedral Parish of San Roque, ang patron ng mga may karamdaman at nagdurusa, sa Caloocan City.

Tugon ito ni Cardinal David sa panawagan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ipanalangin ang agarang paggaling ng Santo Papa.
Sa pagsisimula ng pagninilay, hiniling ng kardinal sa mga mananampalataya ang patuloy na pananalangin para sa agaran at ganap na kagalingan ng Santo Papa mula sa iniindang karamdaman sa baga.

“I hope we all continue to pray for our dear Holy Father, Pope Francis. You know already from the news that he is suffering from a serious case of pneumonia, and he’s having difficulty breathing. But this morning [February 20], well, just a while ago actually, I got the news that when he woke up this morning, he was feeling a little better and the doctors are seeing already some improvement. And he’s very grateful for all the people who are joining him in prayer,” pahayag ni Cardinal David.

February 14 nang dalhin ang 88-taong gulang na Santo Papa sa Gemelli Hospital sa Roma dahil sa bronchitis, at kalauna’y nakitaan ng bilateral o double pneumonia sa baga kaya kinailangan ang karagdagang gamutan.

Sa huling ulat ng Holy See Press Office, bahagyang bumuti ang kalagayan ng Santo Papa, at ipinagpatuloy ang ilang tungkulin bilang pinuno ng simbahang katolika.

Matatandaan noong siya’y 21 taong gulang, tinanggalan si Pope Francis ng bahagi ng kanang baga matapos magkaroon ng pleurisy, na halos kanyang ikamatay.

Bukod kina Archbishop Brown at Cardinal David, nanawagan din ng panalangin para sa agarang kagalingan ng Santo Papa sina CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman, Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 19,812 total views

 19,812 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 28,480 total views

 28,480 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 36,660 total views

 36,660 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 32,571 total views

 32,571 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 44,622 total views

 44,622 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,645 total views

 9,645 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,921 total views

 10,921 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,333 total views

 16,333 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top