Patuloy na paglaganap ng nakakalasong produkto, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,286 total views

Kinundena ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga nakalalasong pampaputing produkto na may mataas na antas ng mercury sa nangungunang shopping mall sa Taguig City.

Bilang paggunita sa International Women’s Day at World Consumer Rights Day, muling bumisita ang grupo sa nasabing mall upang suriin at tiyakin ang pagsunod ng mga tindahan sa mahigpit na pagbabawal sa mga kosmetikong may mercury—na lubhang mapanganib sa kalusugan.

Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, mahalagang ipatupad ang batas upang mapangalagaan ang mga kababaihan, bata, at iba pang mahihinang sektor mula sa masamang epekto ng mercury.

Hinihikayat ni Lucero ang pamahalaang lungsod ng Taguig at ang Food and Drug Administration (FDA) na magkaisa sa pagpapatupad ng pagbabawal sa mga mapanganib at nakalalasong produkto.

“To safeguard the health of women and other vulnerable groups, children in particular, from the adverse effects of mercury exposure, and to uphold the right of consumers to be protected against products that are hazardous to health and life, we appeal to the Taguig City Government and the Food and Drug Administration (FDA) Regional Field Office for the National Capital Region to join forces to enforce the ban on mercury cosmetics in Taguig City and the rest of the metropolis,” ayon kay Lucero.

Sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive, ang mercury bilang heavy metal contaminant ay hindi dapat lumagpas sa one (1) ppm.

Sa isinagawang test buy, nakabili ang EcoWaste Coalition ng apat na produktong matagal nang ipinagbawal ng FDA, kabilang ang Goree Gold 24K Beauty Cream na may 31,010 ppm, Goree Beauty Cream with Lycopene na may 29,110 ppm, Goree Day & Night Beauty Cream na may 28,090 ppm, at 88 Total White Underarm Cream na may 2,006 ppm.

Ayon sa FDA at World Health Organization, ang mercury sa pampaputing produkto ay maaaring magdulot ng pagkairita sa balat, pamumula, pantal, at maging ng matinding karamdaman sa bato, utak, at nervous system, gayundi’y maaaring makapinsala sa sanggol sa sinapupunan.

Patuloy namang panawagan ng EcoWaste Coalition sa mga kinauukulan na higpitan ang pagbabantay at pagpapatupad ng batas laban sa mga produktong may mercury upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.

Nakasaad sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na ang kita ng isang mamumuhunan ay katanggap-tanggap basta’t hindi nakasasama sa kalusugan ng tao at kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 14,116 total views

 14,116 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 64,130 total views

 64,130 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,999 total views

 59,999 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 96,171 total views

 96,171 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 104,260 total views

 104,260 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top