Hindi kailangan ang negosasyon sa pagitan ng ICC at gobyerno ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,393 total views

Nilinaw ng international lawyer at ICC-accredited counsel na kakatawan sa mga biktima ng dating Pangulong Rodrigo Duterte, na hindi na kinakailangan ang negosasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso laban sa dating pangulo.

Ipinaliwanag ni Atty. Joel Butuyan na kung magkakaroon man ng koordinasyon sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng ICC, ito ay para lamang sa pagpapatupad ng anumang warrant of arrest at ang pagkuha ng mga ebidensyang maaaring nasa pangangalaga ng Pilipinas.

“If ever ang coordination ng Philippine government at ang ICC will only be implementing any subsequent warrant of arrest at later on may mga ebidensyang kakailanganin na nasa pangangalaga ng Philippine government. Meron pa rin tayong tinatawag na procedural obligation para makipag-cooperate po at ibigay itong mga ebidensyang ito.”

Dagdag pa niya, kung sakaling magkaroon ng conviction, kakailanganin din ang tulong ng gobyerno ng Pilipinas upang makuha ang mga ari-arian ng mga napatunayang nagkasala upang maipatupad ang reparasyon para sa mga biktima.

“Kung may conviction na, kailangan ng reparation, kailangan din natin ng tulong ng Philippine government para magkalap ng assets ng mga convicted po sa kaso ng ICC.”

Sa kabila nito, una na ring sinabi ni Atty. Butuyan na saklaw ng ICC ang kaso laban kay Duterte, kahit pa hindi na miyembro ng international court ng Pilipinas.

Dahil anya, naganap ang mga paglabag bago pa man humiwalay sa ICC ang pamahalaan ng Pilipinas noong 2019.

Ano ang Susunod na Mangyayari? (in bold letters)
Binigyan diin naman ni Atty. Butuyan na mahalaga sa kampo ni Duterte ang ilang buwang pagitan bago ang susunod na pagharap sa korte para sa paghahanda ng depensa.

Kabilang na dito ayon sa abogado ang paghahain ng mga hamon sa kaso, tulad ng: Jurisdiction ng ICC, Validity ng warrant of arrest, at Application for interim release.

“Pribilehiyo ito ng depensa ng kampo ni Pangulong Duterte dahil sa period na ito pwede siyang maghain ng tinatawag na challenges. Iyan ang procurement, “Ito po ay yung pagbibigay ng prosecution ng lahat ng ebidensya na gagamitin niya sa trial para magkaroon ng oportunidad si Mr. Duterte na pag-aralan at magprepare ang depensa pag nagtrial na po.”paliwanag ni Batuyan

Sa darating na Setyembre 23, nakatakdang isagawa ang confirmation of charges hearing, kung saan opisyal na dedesisyunan ng ICC kung itutuloy ang paglilitis laban kay Duterte para sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,543 total views

 57,543 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,412 total views

 53,412 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,614 total views

 89,614 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,989 total views

 97,989 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,526 total views

 122,526 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top