DepEd at simbahan, tiniyak ang pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,058 total views

Binigyang diin ng Department of Education ang kahalagahan ng ugnayan ng simbahan at pamahalaan sa pagtataguyod ng magandang edukasyon upang mapalago ang pagkatao at kaalaman ng bawat mamamayan, lalo na ng mga nasa malalayong pamayanan.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng simbahan at pamahalaan na makapaghatid ng mataas na kalidad ng edukasyon at paggabay sa mga kabataan.

Ginawa ni Angara ang pahayag kasunod ng naging talakayan sa ginanap na executive course para sa mga lider ng simbahan sa Caritas Philippines Academy sa Tagaytay City.

“Very valuable ‘yung naging talakayan namin dahil nalaman ko ‘yung mga concerns at the various areas sa ating Pilipinas dahil alam n’yo naman ‘yung simbahan, sabi ko nga from Bontoc to Tagum, pati sa BARMM (Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao), nandiyan po ‘yung simbahan,” pahayag ni Angara sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ng kalihim, maraming aspeto ng edukasyon ang maaaring mapabuti sa pamamagitan ng pagtutulungan, tulad ng mga voucher system, alternative learning systems, at pagsasanay para sa mga guro.

Iginiit ni Angara na ang kasalukuyang sistema ng edukasyon ay maaaring palakasin at mapalawak sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng suporta, partikular na sa mga lugar na umaasa sa tulong mula sa pamahalaan para magpatuloy ang operasyon ng mga paaralan.

“I think ‘yung current system can be strengthened and increased. ‘Yung suporta natin dapat, palakasin natin through the voucher system, I think. Sabi nga ng ibang diocese na a lot of the schools, they survive because of this assistance. ‘Yung survival nila kapag wala itong suporta mula sa estado, baka magsara sila,” ayon kay Angara.

Kinilala rin ng kalihim ang ilang programa ng simbahan sa edukasyon, kabilang ang community schools, technical-vocational training, alternative learning system programs, at mga proyekto para sa pangangalaga ng kabataan.

Nakatuon ang five-point agenda ng DepEd sa paglikha ng maayos na lugar para sa pag-aaral, kapakanan ng mga guro, kalagayan ng mga mag-aaral, mabilis at epektibong paraan ng pagtuturo, at kahandaan upang makasabay sa mga pagbabago sa hinaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,499 total views

 18,499 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,513 total views

 68,513 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,382 total views

 64,382 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,384 total views

 100,384 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,093 total views

 108,093 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top