Mananampalataya, inaanyayahan sa Conference on Mary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,412 total reads

Inaanyayahan ni Claretian Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. ang mananampalataya na makibahagi sa ikalawang Conference on Mary sa May 1, 2025.

Ayon sa obispo makabuluhan ang pagtitipon dahil makatutulong ito sa pagpapalalim sa pnag-unawa sa kahalagahan ng tungkulin ng Mahal na Birhen sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Pagninilayan sa ConMariaPH ang temang’Magnificat: Mary’s Manifesto of Hope’ na nababatay din sa pagdiriwang ng simbahan ng Jubilee Year Pilgrims of Hope.

“The conference offers a meaningful opportunity to the Catholic faithful and communities – parishioners, students, clergy, and members of institutes of consecrated life – to deepen their understanding of Mary’s vital role in the history of salvation,” bahagi ng paanyaya ni Bishop Ayuban.

Kabilang sa mga magbibigay ng panayam sa ConMariaPH sina Fr. Rogie Castellano, CP sa paksang ‘Healing Hearts: Embracing the Motherhood of Mary’, Fr. James Cervantes, MIC sa paksang ‘The Fiat of Mary: the Fulfillment of God’s Promise’, Fr. Sherwin Nuñez, SMM sa paksang ‘Mary’s Magnificat: A Hymn of Hope,’ habang magsisilbing synthesizer naman si Tinnah Dela Rosa.

Sinabi ni Bishop Ayuban na tampok sa pagtitipong maipamalas sa mananampalataya ang malalim at matapat na pananampalataya ng Mahal na Ina sa Panginoon na sa kabila ng mga agam-agam ay buong pusong sumunod sa kalooban ng Diyos.

“It will highlight her enduring faith, hope, and trust in God’s promises and inspire participants to grow spiritually as beacons of hope and compassion, ever committed to God’s call,” ani Bishop Ayuban.

Isasagawa ang Conference on Mary sa Fr. Rhoel Gallardo Hall, Claret School of Quezon City sa pagsisimula ng buwan ng Mahal na Birhen sa alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Sa mga dadalo ng face-to-face magkakaroon ng P650 registration fee para sa conference kit, pagkain at certificate habang ang P500 naman sa dadalo online via zoom.

Ang ConMariaPH ay inisyatibo ng Prefecture of Communications of the Claretian Missionaries of the Fr. Rhoel Gallardo Province, sa pamamagitan ng Claretian Communications Foundation, Inc.
Sa mga nais lumahok sa pagtitipon makipag-ugnayan kay Analyn Dayandante sa telepono 8921 – 3984 local 103.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 8,256 total reads

 8,256 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 44,317 total reads

 44,317 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 100,723 total reads

 100,723 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,026 total reads

 224,026 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top