“He is heaven’s gain.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,932 total reads

Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang pamumuno ni Papa Francisco sa mahigit 1.4 bilyong katoliko sa buong mundo ay naging daluyan ng pag-ibig, habag, awa, at kagalakan sa bawat mananampalataya.

“He is our Pope; loved by us. He is so full of love, mercy, compassion, and joy. We thank God for giving him to us, believers, as our inspiration to do our best as witnesses of Christ’s presence; as our passionate father in faith, showing us the way to love our common home; as our loving teacher who mentors in his words and actions,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Bagamat may lungkot sa kanyang pagpanaw, binigyang-diin ng obispo na ito’y isa ring kagalakan, sapagkat ang Santo Papa ay nararapat sa buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.

“He left us holy memories to last for a lifetime. We joyfully lift his soul to the heavens for that is where a person like him surely belongs. He is heavens gain. And we rest assured that his words will guide us, life will show us, witnessing will move us, and love will enkindle the fire of God’s love in each and every one of us,” saad ng obispo.

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 taong gulang nitong Lunes ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, April 21, 2025, ganap na alas-7:35 ng umaga, oras sa Roma, sa Casa Santa Marta sa Vatican City.

Isinilang si Jorge Mario Bergoglio noong December 17, 1936 sa Buenos Aires, Argentina at inordinahan bilang paring Heswita noong December 13, 1969.

Hinirang siyang arsobispo ng Buenos Aires noong February 28, 1998 at ginawang kardinal ni Saint John Paul II noong February 21, 2001.

Noong March 13, 2013, si Cardinal Bergoglio ay nahalal bilang ika-266 na Santo Papa kasunod ng pagbibitiw ni Pope Benedict XVI, at pinili ang pangalang Francis bilang paggunita kay San Francisco ng Assisi, ang patron ng mga dukha.

Matatandaang isinugod si Pope Francis sa Gemelli Hospital sa Roma noong February 14, 2025 dahil sa bronchitis na kalauna’y naging double pneumonia, at nakalabas din noong March 23, 2025.

Kabilang sa mga iniwang pamana ng Santo Papa ay ang kanyang ikalawang ensiklikal na Laudato Si’, na naglalaman ng panawagan para sa pangangalaga sa kalikasan at agarang pagkilos laban sa climate change.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 154,804 total reads

 154,804 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 185,960 total reads

 185,960 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 220,084 total reads

 220,084 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 276,490 total reads

 276,490 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 182,203 total reads

 182,203 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top