SCMP, nagpahayag ng paghanga kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,029 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa sa pagluluksa ng buong Simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pope Francis ang mga grupo ng kabataan mula sa iba’t ibang denominasyon sa bansa.

Inihayag ni Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) National Chairperson Kej Andres ang paghanga kay Pope Francis ng mga kabataan mula sa iba’t ibang denominasyon lalo’t higit sa pambihirang adbokasiya at paninindigan ng Santo Papa sa pagsusulong ng karapatan ng mga karaniwang naisasantabi sa lipunan kabilang na ang mga migrante, kababaihan at mga mahihirap.

“There is deep mourning among peoples of the world on the passing of Pope Francis. He was a very beloved Pope that advocated for the rights of migrants, women, and most especially the poor.” Bahagi ng pahayag ni Andres.

Ayon kay Andres, sa kabila ng mundong nababalot ng kawalang katiyakan at pagkakanya-kanya ay kahanga-hanga ang ganap na pagsasabuhay at pagpapamalas ni Pope Francis ng habag, awa, pag-ibig at biyaya mula sa Panginoon lalo na para sa mga dukha o anawim.

Kinilala rin ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) ang pagsusulong ni Pope Francis na matiyak ang pagbibigay halaga hindi lamang sa dignidad at kapakanan ng mga marginalized sectors sa lipunan kundi maging sa mga inosenteng mamamayang naiipit sa armadong sagupaan sa iba’t ibang bansa.

“We are in a world clouded with the airs of indifference and uncertainty. Yet he was inspired by the Lord’s mercy and compassion and became a daring shepherd that advocated for the anawim, like the lives of Palestinians. Pope Francis reminded the world that faith must never be detached from the cries of the poor and the wounded. He challenged systems that treat people as disposable, and instead walked with those who have long been pushed to the marginalized sectors of workers, refugees, communities under siege,” Dagdag pa ni Andres.

Inalala rin ni Andres ang naging makasaysayang Apostolic Visit ni Pope Francis sa Pilipinas noong January 15–19, 2015 kung saan personal na naipadama ng punong pastol ng Simbahang Katolika sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Visayas ang presensya ng Panginoon, habang dinaluhan naman ng may 6 hanggang 7 milyon ang kanyang huling misa sa Quirino Grandstand sa Maynila na tinagurian bilang ‘largest papal event in history’.

“For Filipinos, he was vividly memorable during his 2015 papal visit for being a beacon of strength after typhoon Yolanda hit the Visayas. His final mass in Manila became the largest papal event in history.” Ayon pa kay Andres.

Sa loob ng 12-taong pagsisilbi ni Pope Francis bilang punong pastol ng Simbahang Katolika ay umabot na sa 68-mga bansa ang kanyang nabisita kung saan tuwinang hatid ng Santo Papa ang mensahe ng kapayapaan, katarungan, pagkakaisa, pagmamalasakit at pag-ibig sa kapwa tao.

Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88-taong gulang noong April 21, 2025 isang araw makalipas ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa kanyang residencia sa Casa Santa Marta sa Vatican ganap na alas-syete trentay-singko ng umaga oras sa Roma -na ala-una trentay-singko ng hapon oras sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 151,148 total reads

 151,148 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 182,881 total reads

 182,881 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 217,005 total reads

 217,005 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 273,411 total reads

 273,411 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 38,289 total reads

 38,289 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top