Pagpapatotoo ni Lascanas sa Davao Death Squad, isang spiritual awakening

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Hindi na ikinabigla ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang naging pangungumpisal at pagbaliktad ni dating SPO-3 Arthur Lascanas na siya ay naging bahagi ng Davao Death Squad o DDS.

Ayon kay Bishop Bacani, na hindi na kataka – taka pa ang pahayag ni Lascanas dahil bago pa ito lumantad ulit sa taumbayan ay hayagan na rin inaamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami na siyang napatay na tao.

“Hindi naman kataka – taka iyan, noong una siya ay nagmamalaki na pumapatay siya. Hindi ako nagtataka diyan, hindi ako magugulat kung totoo talaga iyan. Hindi dapat magulat ang mga tao sapagkat iyan naman ay hindi sikreto sa napakaraming tao. Mismong ang presidente na ang nagsabi tungkol diyan, tungkol sa kanyang sarili.”pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi rin ni Bishop Bacani na hindi itataya ni Lascanas ang buhay at seguridad kung walang katotohanan ang naging pahayag nito.

Iginiit pa ni Bishop Bacani na “spiritual awakening” ito dahil sariling mga kapatid ay kanyang ipinapatay na hindi nagpatahimik sa kaniyang konsensiya.

Kaya’t umaasa ang Obispo na ito ay maiimbestigahan ng mabuti upang tunay na malantad ang katotohanan.

“Hindi iyan sasabihin ng isang tao para siraan lang ang presidente I don’t think so its self – incriminating for his part. Narinig naman natin yung kaniyang sinabing pagpatay, pati yung pag – oorganize ng pagpatay sa sariling kapatid. Hindi na dapat pagtakpan iyan, lalabas rin ang totoo, kailangang imbestigahan iyan ng mabuti.” giit pa ni Bishop Bacani sa Veritas Patrol.

Kahit na patuloy na tinatanggihan ng Malakanyang ang mga paratang sa Davao Death Squad ay nauna na ring naglabas ng pastoral letter ang Archdiocese of Davao noong November 2001 na nagpapahayag ng pagkabahala sa dumaraming bilang ng extrajudicial killing sa kanilang siyudad.

Nabatid mula sa datos na inilabas ng Human Rights Watch, tinatayang 1,424 ang kaso ng summary execution sa Davao City mula taong 1998 hanggang 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 100,693 total reads

 100,693 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 135,857 total reads

 135,857 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 169,990 total reads

 169,990 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 226,395 total reads

 226,395 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 322,098 total reads

 322,098 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 428,183 total reads

 428,183 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top