Mamamahayag, kinilala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,103 total reads

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga nasa media ministry ng simbahang katolika.

Sa pagdiriwang ng World Communications Day pinuri ng obispo ang masigasig na paglilingkod ng mga journalists, broadcasters, digital content creators, social media managers, Church communication officers, at iba pang may kahalintulad na gawain.
Batid ni Bishop Santos ang malaking tungkuling ginagampanan ng mga mamamahayag at mga nasa media ministry upang ipahayag ang katotohanan sa lipunan lalo na sa kasalukuyang panahon na laganap ang fake news.

“Your role, considered a ministry, carries exceptional weight in these times. You are more than mere transmitters of information; you are bridges of understanding, bearers of hope, and cultivators of communion in a world often broken by misunderstanding and division,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Aminado rin ang opisyal na nahaharap sa matinding hamon ang sektor ng pamamahayag tulad ng pressure sa mga instant news lalo sa social media, ang masalimuot na samu’t saring media platforms at ang pananagutang pagnilayan ang katotohanan sa mga impormasyong nararapat ibahagi sa publiko.
Paalala ni Bishop Santos sa mga manggagawa sa media kabilang na ang mga media ministers sa mga simbahan na sagrado ang kanilang gawain at maituturing na pakikiisa sa misyon ni Hesus na palaganapin ang katotohanan sa pamayanan. “In the Church, your work extends the reach of the Gospel beyond our sanctuary walls, bringing Christ’s message of love and redemption to screens and devices worldwide. In the secular world, your commitment to truth and ethical reporting helps build a more informed and just society,” dagdag pa ni Bishop Santos.
Dalangin ni Bishop Santos sa Panginoon ang kaliwanagan ng isip at karunungan ng mga media personel upang patuloy na manindigan sa pagbabahagi ng katotohanan, labanan ang anumang uri ng sensationalism, at maging daan sa pagsusulong ng higit na pang-unawa sa mamamayan.
“I pray that this day renews your sense of purpose and mission. May you find joy in your calling to be communicators of truth, and may the Holy Spirit continue to inspire your creative endeavors in service of human dignity and divine truth,” ani Bishop Santos.
Ngayong taon ipagdiriwang ang 59th World Communications Day sa temang ‘Share with gentleness the hope that is in your hearts’.
Ipinagdiriwang ng simbahan ang World Communications Day isang linggo bago ang Pentekostes na itinatag ni St. Paul VI noong 1967 bilang paraan ng paghimok na sama-samang pagnilayan ang oportunidad at mga hamong kakaharapin sa pag-usbong ng mga makabagong paraan ng social communications.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 30,263 total reads

 30,263 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 138,175 total reads

 138,175 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 182,845 total reads

 182,845 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 205,051 total reads

 205,051 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 240,668 total reads

 240,668 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top