Ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel, panalangin ng MOP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,413 total reads

Umaasa si Military Bishop Oscar Jaime Florencio na mauuwi sa usapang pangkapayapaan ang umiiral na alitan sa pagitan ng Israel at Iran kasunod ng pag-iral ng tigil-putukan ng magkabilang panig, sa halip na pairalin ang karahasan na lalo lamang nagpapalala sa kalagayan ng mga inosenteng mamamayan.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay na rin sa umiiral na tigil-putukan sa pagitan ng dalawang bansa, sa inisyatibo ng pamamagitan ni US President Donald Trump upang mahinto ang 12-araw na labanan na kumitil sa buhay ng maraming tao at pagkasira ng mga gusali, at pamayanan sa Iran at Israel.

Sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan partikular sa pagitan ng Iran at Israel, mariing binigyang-diin ng Obispo na ang makatao at maka-Diyos na tugon sa sigalot ay ang bukas at tapat na pag-uusap, hindi ang pagpapalitan ng karahasan.

“Para sa akin, dapat talaga mag-ceasefire dahil marami ang naantala na buhay ng inosente,” pahayag ni Bishop Florencio.

“Ang naaayon sa teaching ng Simbahan ay mag-dialogue, hindi iyon bakbakan. Mag-usap at dalhin sa negotiating table ang mga isyu.”  Ayon sa Obispo, kung patuloy na ipagwawalang-bahala ang pagkakataong makipag-usap, lalo lamang lumalalim ang sugat ng hidwaan. Naniniwala ang obispoi na dapat muling pagtibayin ang tiwala at bukas na komunikasyon upang matugunan ang mga ugat ng kaguluhan.

Bilang pastol ng mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, binigyang-diin ni Bishop Florencio na hindi dapat kalimutan ang pinakamahalagang layunin ng bawat hakbang — ang pangangalaga sa buhay at dignidad ng bawat mamamayan.

Giit ng obispo mas mainam na harapin ang magkabilang panig sa isang mahinahong pag-uusap kaysa sa tuluyang pagkawasak ng mga komunidad.

Paalala ni Bishop Florencio na ang tunay na lakas ay makikita sa kakayahang makinig, magpatawad, at magtaguyod ng katarungan sa pamamagitan ng mapayapang paraan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 93,773 total reads

 93,773 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 129,761 total reads

 129,761 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 163,893 total reads

 163,893 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 220,298 total reads

 220,298 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top