Obispo ng Calapan, nanawagan ng panalangin kontra sa banta ng pagmimina sa Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,826 total views

Nanawagan si Calapan Bishop Moises Cuevas sa sambayanan at iba’t ibang sektor ng lipunan na makiisa sa isang “Araw ng Panalangin” bilang tugon sa lumalalim na usapin sa pagmimina sa Mindoro, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalang-bisa sa 25-taong moratorium sa malakihang pagmimina sa Occidental Mindoro.

Sa kanyang pahayag na may pamagat na “A Day of Prayer: Towards a Concerted Course of Action on Mindoro Mining Moratorium,” binigyang-diin ng obispo na higit kailanman ay kinakailangan ngayon ang sama-samang panalangin upang gabayan ang mga hakbang ng komunidad sa harap ng posibleng panganib sa kalikasan at kabuhayan.

Binigyang-linaw sa pahayag na ang desisyon ng Korte Suprema ay maaaring maging batayan upang bawiin din ang katulad na ordinansa sa Oriental Mindoro. Ayon kay Bishop Cuevas, ang ganitong hakbang ay maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa kalikasan at sumalungat sa panawagan ng Simbahan, batay sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato si, na pangalagaan ang ating iisang tahanan.

“This decision could plausibly be a precedent-setting move for the subsisting parallel local ordinance in Oriental Mindoro. It could also probably have destructive impacts for our shared mission – expressed in Pope Francis’ encyclical Laudato si – ‘on care for our common home,’” ayon sa liham ng obispo.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang obispo sa mga lokal na opisyal na patuloy na nagpapakita ng matalinong paninindigan laban sa mga planong pagmimina. Ngunit aminado siyang may mga pagkakaibang pampulitika at pansariling pananaw na maaaring humadlang sa pagkakaroon ng iisang direksyon. Dahil dito, isinusulong din niya ang isang dayalogo upang pagtibayin ang pagkakaisa ng lahat ng stakeholder.

Isasagawa ang “Dialogue Forum on the Mindoro Mining Moratorium” sa Hulyo 10, 2025, mula 1:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon sa Bishop Cajandig’s Conference Hall, Salong, Calapan City. Layon ng pagtitipon na mapag-usapan ang mga susunod na hakbang upang mapanatili ang proteksyon sa kalikasan ng Mindoro.

Bilang bahagi ng panawagan, hinihimok ni Bishop Cuevas ang mga pari, relihiyoso, at mga pamayanang Kristiyano na magsagawa ng mga sama-samang panalangin tulad ng Banal na Misa, Banal na Oras, at Sabayang Pagdarasal ng Santo Rosaryo.

Sa gitna ng krisis, naninindigan si Bishop Cuevas na ang pananalig sa Diyos ang magiging sandigan ng sambayanan upang magkaisa sa layunin ng pangangalaga sa kalikasan at pagkakaroon ng makatarungan at makataong pag-unlad para sa Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 4,084 total views

 4,084 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 4,084 total views

 4,084 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 117,905 total views

 117,905 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 140,946 total views

 140,946 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 161,874 total views

 161,874 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top