5,157 total views
Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza bilang bagong chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace.
Ang Obispo ang hahalili kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na matatapos ang termino sa November 30, 2025.
Kaakibat ng pagiging bagong chairman ng kumisyon ay magsisilbi rin si Bishop Alminaza bilang bagong pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP.
Kilala si Bishop Alminaza sa kanyang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatang pantao, katarungang panlipunan at pangangalaga ng kalikasan sa bansa.
“The announcement was made during the 130th CBCP Plenary Assembly held in Anda, Bohol. He will succeed Bishop Colin Bagaforo of Kidapawan, who served in the role since 2019. Known for his strong advocacy on environmental protection, human rights, and social justice, Bishop Alminaza will now lead the Church’s efforts in promoting justice, peace, and integral human development through Caritas Philippines.” Bahagi ng anunsyo ng Caritas Philippines.
Si Bishop Alminaza ang kasalukuyang vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at vice president ng Caritas Philippines magmula noong taong 2019.
Bahagi ng 130th Plenary Assembly ng CBCP na pagtitipon ng kalipunan ng mga Obispo na nagaganap sa Anda, Bohol ang paghalal ng mga bagong pamunuan para sa iba’t ibang komisyon ng CBCP.
Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.
Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.