God is choosing you, paalala ng Apostolic Nuncio sa PCNE-11 participants

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,882 total reads

Pinaalalahanan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang mananampalataya na aktibong makibahagi sa misyon ng simbahan sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng teknolohiya at mga hamon ng makabagong panahon.

Sa pagtatapos ng ika – 11 edisyon ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) binigyang diin ng nuncio ang kahalagahan ng panalangin upang maisakatuparan ng bawat binyagan ang tawag ng paglilingkod bilang ‘pilgrims of hope, active sharers of faith, at joyful missionaries of love.

“At this moment of salvation history, in 2025, God is choosing you… You are chosen to do something beautiful for God,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Iginiit ng opisyal ng Vatican ang kahalagahan ng panalangin bilang puso ng pagmimisyon kasabay ng paalalang unahin ang ugnayan sa Diyos sa gitna ng abala at ingay ng mundo.

“If we don’t pray, we don’t end up having much to give… The fruitfulness of our mission is rooted in our closeness to Jesus,” ani Archbishop Brown.

Tinuran ng arsobispo na makalipas ang mahigit isang dekada mula nang ilunsad ni noo’y Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang PCNE noong 2013 ay nanatiling matibay ang pagtitipon taun-taon na pangunahing layuning isulong at paigtingin ang misyon ng ebanghelisasyon sa pamayanan.

Muling ginanap ang PCNE sa Pontifical and Royal University of Santo Tomas na dinaluhan ng 5, 000 mananampalataya mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa na binubuo ng mga pari, madre, relihiyoso, mga laykong lingkod partikular ang mga kabataan at katekista.

Katuwang ng nuncio sa closing mass si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Lucena Bishop Mel Rey Uy at San Fernando La Union Bishop Daniel Presto ang kasalukuyang chairperson ng CBCP Commission on Evangelization and Catechesis.

Samantala lubos naman ang pasasalamat ni Cardinal Advincula sa lahat ng mga nakiisa sa pagtitipon kung saan pinangunahan din nito ang pagtatalaga ng sarili at bansa sa Sacred Heart of Jesus habang inanunsyo ang susunod na edisyon ng PCNE o PCNE XII sa July 24 to 26, 2026.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 73,716 total reads

 73,716 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 111,112 total reads

 111,112 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 145,241 total reads

 145,241 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 201,648 total reads

 201,648 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top