Outbreak ng sakit sa Biñan City, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,885 total reads

Ikinababahala sa Biñan City, Laguna ang banta ng pagkakasakit sa pamayanan bunsod ng patuloy na pagbaha dulot ng walang tigil na pag-uulan sanhi ng hanging Habagat na pinalakas ng magkakasunod na Bagyong Crising, Dante, at Emong.
Sa ulat ng San Pablo Diocesan Social Action Commission at ng residente ng Barangay Dela Paz, Biñan City na si Annalisa Onofre, umapaw na ang Biñan River at Laguna de Bay, dahilan upang lalo pang tumaas ang antas ng baha sa lugar.
Nangangamba ang mga residente dahil katulad nang naranasan sa mga nagdaang kalamidad, inaabot ng tatlong buwan o higit pa bago humupa ang baha, na nagdudulot ng pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang karamdaman, lalo na sa mga bata.

“Wala pong tigil ang ulan kaya umapaw na naman [ang] ilog. Puno na rin ang [lawa] kaya salubungan na po ang tubig,” ayon kay Onofre.

Ilan sa mga opisyal ng Laguna ang nagmumungkahi ng dredging o paglilinis at paghuhukay sa Laguna de Bay upang mapalaki ang kapasidad na mag-imbak ng tubig at matugunan ang matinding pagbaha sa mga bayan at lungsod sa paligid ng lawa.

Nagpasa si Biñan City Representative Arman Dimaguila ng isang resolusyon sa Kongreso na nananawagan sa House Committee on Ecology na ipatawag ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Laguna Lake Development Authority (LLDA), at iba pang kaukulang ahensya upang pag-aralan ang panukalang dredging.

Tinatayang aabot sa halos 11,500 pamilya sa Biñan City ang apektado ng malawakang pagbaha.

Samantala, nananawagan naman ang San Pablo DSAC ng panalangin at tulong para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 206,325 total reads

 206,325 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,998 total reads

 240,998 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,898 total reads

 256,898 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 293,387 total reads

 293,387 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 299,744 total reads

 299,744 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 92,719 total reads

 92,719 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top