Environmental Advocates, dismayado sa SONA ng Pangulo; Nagbabala sa pagsulong ng pagmimina

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,781 total views

Dismayado ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa mababaw at limitadong pagtugon sa mga usaping pangkalikasan, lalo na sa pagmimina at krisis sa klima.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, bagama’t binanggit ng pangulo ang pagpapasigla ng pamumuhunan sa critical minerals o mga mineral na mahalaga sa clean energy transition at makabagong teknolohiya, wala pa ring malinaw na plano upang maiwasan ang pinsala nito sa kalikasan, kabuhayan, at karapatan ng mga pamayanan at katutubo.

“Deeply disappointed that the environment was not comprehensively covered. Mining was mentioned in the context of asking for more investments in critical minerals, which means more mining projects and more aggressive promotion of mining,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radyo Veritas.

Binatikos din ng ATM ang patuloy na pagsusulong ng pamahalaan sa mga mapaminsalang extractive projects, kahit pa malinaw ang kaugnayan ng malawakang pagmimina sa deforestation, polusyon sa tubig, pagguho ng lupa, pagbaha, at paglala ng climate change.

Iginiit ni Garganera na binibigyang-insentibo pa ng pamahalaan ang mga malalaking kumpanya ng pagmimina sa halip na suriin at pigilan ang operasyon nito.

“Hindi sapat na ‘merong tugon’ ang gobyerno sa panahon ng kalamidad. Dapat may strategic na plano at adjustments sa governance and policies para maiwasan at hindi na maulit ang mga mapait na aral na dala ng mga kalamidad everytime may super typhoons at habagat season,” dagdag pa ni Garganera.

Nanawagan ang ATM sa administrasyon at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na unahin ang pangangalaga sa kagubatan at likas-yaman upang mapababa ang epekto ng landslide, flash floods, at coastal erosion dulot ng pagmimina at quarrying.

Batay sa tala ng DENR-Mines and Geosciences Bureau noong 2024, may humigit-kumulang 50 minahan na kasalukuyang nagpapatakbo, na may higit ₱102 bilyong kontribusyon sa gross domestic product ng bansa.

Gayunman, iginiit ng ATM na maliit lamang ang ambag nito kumpara sa labis na pinsala sa kapaligiran at pamayanan.

“This government clearly has low regard for environment and climate change issues,” giit ni Garganera.

Sa Laudato Si’, inihayag ng yumaong Papa Francisco ang mariing pagtutol hinggil sa industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 47,614 total views

 47,614 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 43,483 total views

 43,483 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 79,685 total views

 79,685 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 88,387 total views

 88,387 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 113,666 total views

 113,666 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top