Simbahan sa Asya, hinamon ng Obispo na bawiin ang pamumuhunan sa mapaminsalang industriya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,428 total reads

Nanawagan si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza sa Simbahan sa Asya na agarang kumilos para sa kalikasan, bawiin ang puhunan mula sa mga mapaminsalang industriya, at pakinggan ang sigaw ng kalikasan at ng mga mahihirap.

Ipinahayag ni Bishop Alminaza ang panawagang ito sa ikalawang Laudato Si’ webinar ng Radio Veritas Asia noong July 31, 2025, na may temang “Celebrating 10 Years of Laudato Si’: The Ecological Response of the Asian Church.”

Layunin ng webinar na tipunin ang mga tinig mula sa iba’t ibang bansa sa Asya upang pagnilayan ang naging bunga ng ensiklikal ni Pope Francis para sa kalikasan at ang lumalalang banta ng krisis sa klima.

“Seven of the ten most climate-vulnerable countries are in Asia, including the Philippines, Myanmar, Bangladesh, Pakistan, and Thailand. Over 80% of disasters in Asia in the past two decades were climate-related. We are not just reading statistics. We are living them,” ayon kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin ng obispo na ayon sa Laudato Si’ at Laudate Deum ng yumaong Santo Papa, ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat magsimula sa sarili, palawakin sa pamayanan at lipunan, at sabayan ng makabuluhang pagkilos ng Simbahan.

Ibinahagi rin ni Bishop Alminaza ang ilang makakalikasang proyekto sa Asya, kabilang ang mangrove reforestation sa Timor Leste, interfaith solar energy projects sa India, at climate resilience programs ng Simbahang Katolika sa Bangladesh.

Sa Pilipinas, binangiit ng obispo ang 10 Million Solar Rooftop Challenge, Bamboo Forest Project, at ang paggamit ng Laudato Si’ School Framework sa Catholic education.

“These efforts show that ecological conversion is not just a concept, it’s a movement taking root in our communities,” giit ng obispo.

Hinikayat din ni Bishop Alminaza ang pagbuo ng Laudato Si’ Synodal Platform for Asia upang pag-ugnayin ang mga paaralan, parokya, at diyosesis sa iisang misyon para sa kalikasan, kabilang dito ang pagbuhay sa karunungang pamana ng mga ninuno, pagtalikod sa pamumuhunan sa mapaminsalang proyekto, at pagtutol sa pag-unlad na banta sa mga pamayanan.

“Let us become seeds of hope in a planet crying out for healing,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,887 total reads

 56,887 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 95,144 total reads

 95,144 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 129,272 total reads

 129,272 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,678 total reads

 185,678 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,106 total reads

 179,106 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top