Magbalik loob sa Diyos-Cardinal Quevedo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,103 total views

LENTEN MESSAGE
Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo

Minamahal kong sambayanan ng Diyos, isang pagbati ng kapayapaan sa ngalan ng ating Panginoon.

Sa unang araw ng Marso taong kasalukuyan 2017 ay ating sisimulan ang panahon ng Kuwaresma sa pamamagitan ng tanda ng krus sa ating mga noo sa Miyerkules ng Abo.

Ito ay nagpapaalala sa atin na mga gawa ng pagsisisi sa kasalanan at pagbabagong buhay. Ang Kuwaresma ay panahon na binubuo ng apatnapu’t apat (44) na araw na pagkatapos sa misa ng huling hapunan sa Huwebes Santo.

Ito ay panahon ng pagsisisi sa kasalanan, pagsasakripisyo, pagtatakwil sa sarili, paglilinis ng kalooban, pagpapanibago, pagbabalik-loob sa Diyos at sa ating kapwa tao.

Ito rin ay panahon ng paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, ang misteryo ng kaligtasan na ating ipinagdiriwang sa Easter Tribune.

Sa Huwebes Santo, Biyernes Santo, Sabado de Gloria, at sa LInggo ng Pagkabuhay, nawa ay pagsumikapan natin, isabuhay ang diwa ng Kuwaresma.Ito pong mga araw ng paghahanda, sa biyaya ng ating Panginoong Diyos, tayo’y magpunyagi laban sa ating pagkamakasalanan, laban sa ating mga kiling at hilig sa kasamaan, laban sa ating kayabangan at kawalang-katapatan, at laban sa ating mga galit at diskriminasyon.

Sikapin din nating gumawa ng kabutihan sa kapwa sa pamamagitan ng ating malasakit at awa at gawin itong bahagi ng ating pamumuhay araw-araw. Tanggapin natin at isabuhay ang hamon ng ebanghelyo na magsisi sa kasalanan at magbagong buhay.

Nawa’y puspusin ng Panginoon ng Kanyang pagpapala itong ating paghahanda sa pagtanggap ng bagong buhay ni Kristo Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 24,950 total views

 24,950 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 46,955 total views

 46,955 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 71,297 total views

 71,297 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 95,024 total views

 95,024 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 128,925 total views

 128,925 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top