Gawing ehemplo si San Roque, panawagan ng Arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,160 total reads

Pinaalalahanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga mananampalataya na ang tunay na
pagdedebosyon kay San Roque ay hindi natatapos sa panalangin kundi isinasabuhay sa konkretong paglingap sa kapwa,
lalo na sa mga sugatan sa katawan, puso, at kaluluwa.

Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa kanyang homiliya sa bisperas ng kapistahan ni San Roque, kasabay ng pagdiriwang
ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary sa San Roque de Manila Parish. Tema ng kapistahan ngayong
taon ang “Pilgrims of Hope” bilang bahagi ng selebrasyon ng buong Simbahang Katolika.

“Ang pagdedebosyon kay San Roque ay paghahanap din sa mga kapwa natin sugatan upang pagalingin, gutom upang
pakainin, uhaw upang bigyan ng maiinom, at nalilito upang bigyan ng pag-asa,” ani Archbishop Villegas.

Pinaalala rin ng arsobispo na ang pag-aakyat ng Mahal na Birheng Maria sa Langit ay paalala na hindi lamang kaluluwa ang
dapat maging banal, kundi pati ang katawan, sapagkat ito ay kaloob ng Diyos na dapat ingatan at igalang.

“Ang katawan natin ay maaaring maging panganib papuntang impyerno; ito rin ay pananagutan. Kung ano ang ginawa
natin sa nauuhaw, nagugutom, nalilito, nasugatan, at maysakit ay siyang daan papuntang langit,” dagdag pa niya.

Binanggit pa ng arsobispo na ang pagiging sugatan o may sariling pinagdaraanan ay hindi dapat maging hadlang sa
malasakit sa kapwa: “Hindi dahilan ang sugat ng buhay upang hindi tayo tumulong at magmahal.”

Kasalukuyang nahaharap ang lipunan sa mga “salot” kabilang ang digmaan, labis na katiwalian at korapsyon na
nagpapalala ng kahirapan, at ang paglaganap ng online gambling na itinituring ng simbahan na salot at lalong mapanganib
dahil bumibiktima maging sa mga kabataan na lantad sa teknolohiya.

Sa kaniyang homiliya, inalala rin ng arsobispo ang buhay ni San Roque na ipinanganak noong 1295 sa Pransya.

Inialay ng santo ang kanyang buhay sa pagtulong at pagpapagaling sa mga biktima ng salot. Nang siya mismo ay
magkasakit, nagtungo sa gubat kung saan isang aso ang nagdala sa kanya ng pagkain hanggang siya ay gumaling. Pumanaw
ang santo noong 1327 at kinilalang patron ng mga may sakit, mahihirap, at dinadapuan ng salot. Ipinagdiriwang ang
kanyang kapistahan tuwing Agosto 16.

Samantala, ang dogma ng Assumption of Mary ay opisyal na ipinahayag ni Pope Pius XII noong November 1, 1950 sa
pamamagitan ng apostolic constitution Munificentissimus Deus. Itinuturo nito na matapos ang kanyang buhay sa mundo,
si Maria ay iniakyat buo—katawan at kaluluwa—sa langit, alinsunod sa matagal nang tradisyon ng Simbahan.
Ipinagdiriwang ito taun-taon tuwing Agosto 15.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 18,530 total reads

 18,530 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 37,785 total reads

 37,785 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 77,471 total reads

 77,471 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 111,599 total reads

 111,599 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 168,004 total reads

 168,004 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top