E-wallet service providers, hinamon ng Obispo na alisin ang access sa online gambling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,009 total views

Hinamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang lahat ng electronic wallets o e-wallet service provider sa Pilipinas na ipagbawal ang mga cash transactions sa lahat ng online gambling sa buong bansa.

Ito ay kasunod ng hakbang ng nangungunang e-wallet na GCASH at Pay Maya kung saan ipinagbawal na ang anumang online gambling money transfer at transaction simula August 16.
Ikinababahala ng Obispo na sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagsulputan din ang mga e-wallets sa Pilipinas kaya’t may pamamaraan pa rin ang mga nalulong sa online gambling na makapaglipat ng kanilang pera upang makapaglaro.

“Kasi ito ay nakakasira sa mga tao, lalo na sa mga kabataan at mahihirap, so yan po ay isang bold move pero hindi po sapat, ang hinihingi po natin sa lahat ng e-wallets na ipagbawal ang online gambling,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Aminado si Bishop Pabillo na isang bold move ang ginawa ng ilang e-wallets service provider pero hindi ito sapat upang masawata ang online gambling.

Panawagan at hamon ni Bishop Pabillo sa pamahalaan at mga mambabatas na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa Pilipinas na itinuturing na bagong salot sa Lipunan.

“Okay naman yung pagbabawal sa anumang online gambling transaction, pero hindi sapat ito-hindi sapat, kasi ang gusto natin, ipagbawal sana ng lahat ng mga e-wallets, alam po natin na ang GCASH, isa lamang sa mga e-wallets dahil marami pang mga ibang e-wallets, dapat ang polisiya sa gobyerno, talagang wala ng online gambling,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Naunang kinilala ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas na i-regulate ang access ng online gambling sa mga e-wallet provider.
Gayunman, nanindigan si Cardinal David na hindi sapat ang hakbang ng BSP kayat muli itong nanawagan sa pamahalaan na tuluyang ipagbawal ang online gambling sa bansa.

Ayon sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), umabot sa 32 milyong Pilipino ang aktibong nakilahok sa online gambling mula January hanggang May 2025 na katumbas ng 291% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.

iniulat ng Recovering Gamblers of the Philippines na 80% ng kanilang mga pasyente sa rehabilitation center ay nabiktima ng online gambling, na hindi lamang nagdulot ng pagkalugi ng pera o kita kundi nagbunga rin ng depresyon at pagkawasak ng buhay, pamilya, at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 154,373 total views

 154,373 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 176,483 total views

 176,483 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 249,429 total views

 249,429 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 241,057 total views

 241,057 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top