Panagutin sa batas ang mga magnanakaw sa pera ng bayan, apela ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,660 total views

Umaapela ang mga Obispo ng Pilipinas ng transparency, pananagutan at panunumbalik sa mga katuruan ng simbahan na huwag magnakaw at ayusin ang paggastos sa kaban ng bayan.

Hinimok ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mga Pilipino na muling isabuhay at paigtingin ang pagsusulong ng adbokasiya na ‘HUWAG KANG MAGNAKAW’ sa lipunan.

Ayon sa Obispo, ito ay sa mga natuktuklasan katiwalian at korapsyon ngayon laban sa mga opisyal ng pamahalaan at may kaugnayan sa kaban ng bayan.
Iginiit ni Bishop Pabillo ang adbokasiya upang bigyan ng katarungan ang pasakit na nararanasan ng mga mamamayan katulad ng matinding pagbaha sa ibat-ibang bayan sa Pilipinas.

“Ngayon ay kailangan nating ibalik ulit yun programang Huwag kang Magnakaw kasi nababalitaan natin ang daming katiwalian ulit, bribing o kaya yung paggamit ng mga ghost projects, yung sa flood control projects, yan po ay pagnanakaw sa taong bayan, pagnanakaw sa gobyerno Nakita po natin na napakarami po ang mga taong nahihirap dahil diyan sa pagnanakaw na iyan, naging malaking pera pa, bilyon-bilyon na ang perang nawawala at dahil dito ang mga serbisyo sa bayan ay hindi nagagawa kaya manawagan tayo muli, lakasan natin ang boses natin na HUWAG KANG MAGNAKAW! Kasalanan ang magnakaw, lalong-lalo na sa kaban ng taumbayan.” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Binigyan diin naman ni Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco na napapanahong paigtingin ang pagtuturo sa kapwa ng mga katuruan ng simbahan upang maiwasan ang anomalya at katiwalian sa paghawak ng kaban ng bayan.

Ayon sa Obispo, tungkulin ng simbahan at mga kristiyano na isulong ang katarungang panlipunan kung saan pananagutin ang sinumang mapapatunayan sangkot sa mga katiwalian higit na ang paghawak ng pera ng bayan nang mga opisyal sa pamahalaan.

Sa pamamagitan ng pagpapanagot at higit na pagtuturo sa kapwa ng layunin ng Panginoon para sa bayan, panalangin ni Bishop Ongtioco na higit na makita ng mga tao ang kanilang kapwa na nalugmok sa kahirapan.

Nanindigan ng Obispo na nararapat gamitin sa tamang mga proyektong ang kaban ng bayan at isusulong ang pagbibigay ng kalidad, may dignidad at mataas na antas na pamumuhay higit na hanggang sa mga pinakamahihirap na bahagi ng lipunan.

“Kailangan siguro yung hindi lang magandang policies pero dapat ipinatutupad at kung sakaling may pang-aabuso ay dapat managot o kung kailangan parusahan, laging may pananawagan bumalik sa basic values katulad ng honesty, sincerity, respect for people, reaching out to the poor, The Church is all the more challenged to be a light of hope by proclaiming justice, accountability and responsibility… going back to the Christian call to imitate Christ who came not to be served but to serve and give His life for many.” ayon naman sa mensaheng pinadala ni Bishop Ongtioco sa Radyo Veritas.

Umaapela din si Bishop Pabillo at Ongtioco na panagutin sa batas ang mga sangkot na opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas at mga kontraktor na sangkot sa mga palpak na flood control projects sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 30,185 total views

 30,185 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 36,314 total views

 36,314 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 66,456 total views

 66,456 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 86,536 total views

 86,536 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 106,426 total views

 106,426 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 3,612 total views

 3,612 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 5,796 total views

 5,796 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 5,812 total views

 5,812 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top