Obispo ng Jolo, itinalagang Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,533 total reads

Itinalaga ni Pope Leo XIV si Jolo Bishop Charlie Inzon bilang ika-limang Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato.

Ipinahayag ng Vatican ang kanyang appointment noong September 8, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria.

Hahalili si Archbishop-designate Inzon kay Archbishop Angelito Lampon na namuno sa arkidiyosesis mula 2019 at nagretiro matapos maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang nitong Marso.

Si Archbishop Inzon, na ipinanganak noong 1965 sa Pilar, Sorsogon, ay pumasok sa kongregasyon ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) noong 1982 at nagkaroon ng perpetual profession noong 1990.

Nagtapos siya ng Philosophy sa Notre Dame University sa Cotabato City at Theology sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University sa Quezon City.

Naordinahan siyang pari ng OMI noong April 24, 1993 sa Caloocan City at naglingkod sa iba’t ibang parokya at paaralan na pinangangasiwaan ng OMI.

Kabilang dito ang pagiging pangulo ng Notre Dame College sa Jolo at ng Notre Dame University sa Cotabato.

Bago itinalagang obispo ng Jolo noong 2020, nagsilbi rin siyang Provincial Superior ng Oblates noong 2018.

Bukod sa kanyang master’s degree sa Theology mula sa Loyola, nagtamo rin siya ng doctorate in Psychology mula sa Ateneo de Manila University.

Bilang bagong arsobispo, pamumunuan niya ang mahigit isang milyong Katoliko sa arkidiyosesis katuwang ang may 60 pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 123,703 total reads

 123,703 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 157,032 total reads

 157,032 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 189,176 total reads

 189,176 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 255,239 total reads

 255,239 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 266,512 total reads

 266,512 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top