PAHRA, dismayado sa pagkaantala ng confirmation hearing ni Duterte sa ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,480 total reads

Dismayado ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa pagkaantala ng confirmation hearing ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kaso ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa PAHRA ang pagkaantala sa pagdinig ng ICC sa kaso ng dating Pangulong Duterte ay nagdudulot din ng pagkaantala sa paghahanap ng katotohanan at katarungan para sa libu-libong biktima ng extrajudicial killings at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng “War on Drugs.”

“The Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) expresses its deep disappointment over the postponement of the International Criminal Court (ICC) confirmation hearing on the case of former President Rodrigo Duterte. This delay prolongs the quest for truth and justice for the thousands of victims of extrajudicial killings and other grave human rights violations committed under his administration’s so-called “war on drugs.” Bahagi ng pahayag ng PAHRA.

Pagbabahagi ng PAHRA, ang bawat araw ng pagkaantala sa pagdinig sa nasabing kaso ay dagdag na pasakit sa mga biktima at kanilang pamilya na patuloy na naghahangad ng hustisya, katarungan at kapanatagan.

Paliwanag ng PAHRA, nakababahala ang pagpapaliban sa pagdinig ng ICC sa kaso ng dating Pangulo sapagkat maari itong makapagbigay ng maling mensahe na ang mga makapangyarihan ay maaaring tuluyang makaiwas sa pananagutan sa batas.

“Every day that justice is delayed adds to the suffering of victims and their families who continue to seek accountability, closure, and redress. The postponement risks sending a dangerous signal that those who wield power and commit mass atrocities can continue to evade justice. Justice delayed must never mean justice denied.” Dagdag pa ng PAHRA.

Giit ng PAHRA, mahalaga ang papel na ginagampanan ng International Criminal Court bilang huling sandigan ng mga biktimang naghahanap ng katarungan sapagkat bigong tugunan ng sistema ng batas sa bansa ang naging sistematiko at malawakang pagpatay sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Kasabay nito, nanawagan ang PAHRA sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagtulungan sa ICC at pigilan ang anumang uri ng panghaharang sa proseso ng imbestigasyon ng ICC sa bansa.

“We call on the Marcos Jr. administration to fully cooperate with the ICC and cease obstructing international accountability efforts. As a State that remains bound by international human rights obligations, the Philippines must show its commitment to justice, truth, and the rule of law.” Ayon pa sa PAHRA.

Tiniyak naman ng PAHRA, ang patuloy na pakikiisa sa pagsusulong ng paghahanap ng katarungan para sa lahat ng mga biktima ng karahasan sa ilalim ng marahasa na implementasyon ng kampanya laban sa illegal na droga ng dating administrasyong Duterte.

“PAHRA stands in solidarity with all victims and survivors. The struggle for justice is far from over. We affirm our commitment, alongside our networks and allies, to continue pressing for accountability and ensuring that those responsible for crimes against humanity are held to account.”

Matatandaang ika-7 ng Marso, 2025 ng inilabas ng ICC ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Duterte na isinapubliko noong ika-11 ng Marso, 2025 kung saan agad na inaresto ang dating Pangulo paglapag nito sa NAIA galing ng Hongkong.

Ika-12 ng Marso, 2025 ng pormal na isinuko sa custody ng ICC sa The Hague si dating Pangulong Duterte habang ika-14 naman ng Marso, 2025 ng unang humarap ang dating Pangulo sa International Criminal Court sa pamamagitan ng video link upang kumpirmahin ang kanyang katauhan sa ICC.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,712 total reads

 4,712 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,950 total reads

 58,950 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,741 total reads

 95,741 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 128,043 total reads

 128,043 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,697 total reads

 178,697 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,315 total reads

 240,315 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top