Very loud and clear ang mensahe ng Trillion Peso March!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,685 total reads

Ikinatuwa ng mga opisyal ng simbahang katolika ang pakikiisa ng mga Pilipino sa “Trllion Peso march” sa People Power monument at National Shrine of Mary Queen of Peace o Edsa Shrine.

Pinuri ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, incoming Caritas Philippines President at Arnold Janssen Kalinga Foundation Founder and 2025 Ramon Magsaysay Awardee Father Flavie Villanueva ang natatanging paninindigan ng mga Pilipino sa naging maksaysayang pagmamartsa upang kundenahin ang katiwalian sa bansa.

Patuloy ang paanyaya ni Bishop Alminaza sa mga Pilipino sa paninindigan laban sa korapsyon na patuloy na pinapahirapan ang mga Pilipino.

“Very loud and clear ang sentimiyento. Halos mga kabataan, pero mayroon ding mga kasing edad ko na anduon na nagsasabi ng the same message na sinasabi natin ngayon dito sa Trillion Peso March na dapat pakadaliin ang pagprosecute, paglilitis ng responsable/ mga salarin, at panagutin talaga; yung accountability, at saka isauli ang ninakaw [ang] malaking inutang sa mga biktima at maraming taon na itong nangyayari pala. So ang laking utang ang dapat singilin ng bayan. Kaya tuwa ko na nagkabuklod-buklod tayo, hindi lamang ang simbahan, kundi lahat ng sektor. Ang importante din na ang simbahan ay matuto na makinig, makilahok, at magsuporta sa daing ng taumbayan, sa anyo ng mga [mabubuting tao] ay nanduon ang simbahan, kasi nanduon din ang Diyos, malapit ang Diyos katabi sa mga naghihirap,” pahayag sa radio Veritas ni Bishop Alminaza

Umaasa naman si Fr.Villanueva na sa paninindigan ng maraming Pilipino sa talamak na korapsyon ay mapapabilis ang paghilom ng Pilipinas na lubhang nalugmok dahil sa laganap na katiwalian na kinasasangkutan ng mga mambabatas at opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan,

Iginiit ng Pari na sa buhay kristiyano ay bawal ang magnanakaw at korap.

“Makiisa sa buhay Kristiyano, bawal [ang] magnanakaw, bawal ang korap,at higit sa lahat, ang pananampalataya ay kasama sa pagtindig natin. Tayo’y tumindig upang ang ating bayan ay mahilom at patuloy maging magiting muli,” bahagi ng panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Villanueva sa Trillion Peso March.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 71,755 total reads

 71,755 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 119,745 total reads

 119,745 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 167,616 total reads

 167,616 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 271,563 total reads

 271,563 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 354,295 total reads

 354,295 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top