Prayer March at Misa kontra korapsyon, gaganapin sa Baguio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,298 total reads

Inaanyayahan ng Diocese of Baguio ang lahat ng pari at mananampalataya na makilahok sa darating na Oktubre 7, 2025, sa isang Prayer March at Holy Mass laban sa katiwalian.

Ayon kay Bishop Rafael Cruz ng Baguio, tungkulin ng Simbahan na manguna sa pagtutol laban sa kasamaan at katiwalian bilang mga tapat na tagasunod ni Kristo.

“It is the moral obligation of the Church to spearhead the battle against evils in the world. This is the reason why our Lord Jesus Christ came into this world. He fought the evils not by evil ways however, but by His prayerful union with His Father and the Holy Spirit and He was victorious!” ayon sa inilabas na pahayag ng diyosesis sa kanilang official Facebook account.

Giit pa ng Obispo, muling naaapi ang Pilipinas ng mga tiwaling indibidwal na sumasamantala sa yaman ng bansa, habang ang nakararami ay nagdurusa sa gutom at kahirapan

Ayon kay Bishop Cruz; “While these pillagers wallow in their selfish ways, our people whom they deprive drown and die of hunger and sickness. This is un-Christian! This is un-Filipino!”

Dahil dito, magsasagawa ang mga pari at mananampalataya sa Diocese of Baguio, ng isang Prayer March bilang panawagan sa biyaya ng Diyos para sa pagbabago ng mga sakim at walang malasakit, at para sa pagtataguyod ng mas makatarungang Pilipinas.

Magsisimula ang Prayer March sa Baguio Convention Center alas-8 ng umaga, at susundan ito ng Holy Mass sa Baguio Cathedral of Our Lady of the Atonement.”
Prayer March at Misa kontra korapsyon, gaganapin sa Baguio.

Hinimok din ni Bishop Cruz ang mga katolikong paaralan na makilahok, kahit online at magsuot ng puting damit na sumisimbolo sa malinis na hangarin para sa buong bansa.

“Those who will attend in person or via Facebook Live should wear white to emphasize the purity of our intentions. God is our only Hope,” ayon pa kay Bishop Cruz.

Binigyan-diin ng obispo, sa pamamagitan ng panalangin, sama-sama nating labanan ang katiwalian at ipakita ang tunay na pagmamahal sa kapwa at integridad sa ating lipunan.

Una na ring isinagawa sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan ang kabi-kabilang kilos-protesta kontra katiwalian kaugnay na rin sa usapin ng ghost at substandard flood control projects ng pamahalaan na nagsasangkot din sa ilang opisyal ng goybyerno, mga mambabatas at mga kontraktor.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 59,038 total reads

 59,038 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 145,534 total reads

 145,534 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 188,571 total reads

 188,571 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 238,330 total reads

 238,330 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 396,688 total reads

 396,688 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top