ATM, duda sa paninindigan ni PBBM sa responsible mining

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,935 total reads

Nagpahayag ng pagdududa ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa mga pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa responsableng pagmimina sa bansa, matapos ang talumpati sa Mining Philippines 2025 International Conference and Exhibition.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, mahalaga ang mga sinabi ni Pangulong Marcos lalo na’t ang mga nakikinig ay mga minero, mamumuhunan, at mga kinatawan ng industriya.

Gayunman, iginiit ni Garganera na taliwas ito sa aktwal na sitwasyon sa mga pamayanang direktang naaapektuhan ng pagmimina.

“Sa pangkahalatan, ‘yung mga sinabi niya ay mga bagay na gusto nating marinig. Ayaw niya sa iresponsableng pagmimina. Hindi nila hahayaang maghirap ang mga komunidad. At ang isang mahalagang punto doon [ay] dapat siguraduhin daw na nakikinabang ang bansa at ang mga mamamayang Pilipino,” pahayag ni Garganera sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Aniya, dumami at bumilis ang pag-apruba ng mga bagong kontrata at permit sa pagmimina sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, at lumawak din ang mga lugar na apektado ng pagmimina, lalo na ng mga nickel mining projects.

Binanggit din ni Garganera ang sinasabing ugnayan ng mga political dynasty sa sektor ng pagmimina, na lalong nagpapabilis sa mga proyekto.

Para kay Garganera, ang ugat ng patuloy na paglala ng industriya ay hindi lamang kakulangan sa regulasyon, kundi kasakiman at katiwalian sa loob ng pamahalaan.

Kasabay nito, nanawagan ang ATM ng pansamantalang pagpapatigil ng pagmimina upang muling masuri ang mga umiiral na batas, at matiyak na napapangalagaan ang kalikasan at ang kapakanan ng mga mamamayan.

“Sa panahon ngayon na nagbabago ang klima at ‘yung kalagayan natin na napakatindi ng katiwalian sa gobyerno, isa po ‘yung panawagan namin: Hinto muna. Tigil muna ‘yung mina dahil napakalalim [at] napakalawak nung problema… Kapag hindi na-check ang kasakiman, hindi lang kaban ng bayan ang magsa-suffer, kundi po ‘yung likas-yaman at kalikasan natin,” ayon kay Garganera.

Sa Laudato Si’, binigyang-diin ng yumaong Papa Francisco ang pinsalang hatid ng pagmimina na labis na nagpapahirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 56,102 total reads

 56,102 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 142,598 total reads

 142,598 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 185,635 total reads

 185,635 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 235,394 total reads

 235,394 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 393,936 total reads

 393,936 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,012 total reads

 192,012 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top