World Day of the Poor, ipinagdiwang ng Diocese of Novaliches kasama ang mahirap na pamilya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,327 total views

Ipinagdiwang ng Caritas Novaliches at Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd ang World Day of the Poor kasama ang mga mahihirap.

70-mahihirap na pamilya mula sa mga creek-side at disaster prone areas ang pinakain binigyan ng food packs ng Diocese of Novaliches.

Ibinahagi ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, ang sustainable na pamamaraan ng pagtulong sa mga mahihirap tulad ng education at livelihood programs.

“Magandang araw po sa inyong lahat, Happy World Day of the Poor! totoo po, ito po ang misyon ng simbahan, pero sana yung magbigay-bigay lang ng pagkain, pero sana matulungan na magkaroon ng pagkakataon na tumayo na sa sarili nila,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Gaa.

Sa gift-giving na idinaos sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd ay tiniyak ni Caritas Novaliches Deputy Executive Director Father Joel Saballa, na kasama ng mga mahihirap ang simbahan kung saan hindi lamang sa isang pagkakataon ipaparating ang tulong.

Personal namang nagtungo ang Social Service Development Ministry nang Dambana sa pangunguna ng kanilang Coordinator na si Rose Imperial sa mga lugar ng Sitio Ruby, Pulang Lupa at Bagong Barrio upang matukoy ang mga benepisyaryo ng gawain.

“Unang-una po, ito ay magandang mensahe na pagpapaalala sa mga kapatid nating kapuspalad na sila ay hindi nakakalimutan ng ating Inang Simbahan. Sila ay ating kaagapay sa misyon ng ating Panginoon. Tulad ng aking nasabi kanina, yung mga kalyo, yung mga bitak sa kanilang mga sakong ay paalala sa ating lahat na mayroon pa ring mga Pilipinong lumalaban nang patas at hindi nanlalamang sa kapwa,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Saballa.

Ayon sa Caritas Novaliches regular and pagtulong sa mga mahihirap na komunidad sa nasasakupan ng Diocese of Novaliches kung saan nagkakaroon nadin ng regular check-up sa mga pamayanan upang maalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 15,141 total views

 15,141 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 39,458 total views

 39,457 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 75,248 total views

 75,247 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 116,876 total views

 116,876 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 169,246 total views

 169,246 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top