Namayapang pari at relihiyoso, inalala at kinilala ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,809 total views

Inalala at pinarangalan ng Archdiocese of Manila ang mga namayapang pari at relihiyoso ng arkidiyosesis sa isang misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula noong November 18 sa Lay Force Chapel ng San Carlos Seminary Complex sa Makati City.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang paggunita sa mga yumaong lingkod ng Diyos ay paalala rin sa bawat Kristiyano ng kasagraduhan at kahalagahan ng buhay.

“Memento mori is not just remembering our faithful departed. Memento mori is also about honoring the sanctity of life, recognizing the limitation of time, and the fragility of our existence,” ani ng arsobispo.

Ayon sa arsobispo, ang alaala ng mga namayapang pari at relihiyoso ay nagtuturo rin kung paano mamuhay nang may katapatan sa bokasyong pagtatalaga ng sarili bilang pari, relihiyoso o relihiyosa.

“We remember death, but we are not afraid of death. We celebrate life, but we hope to die because it will lead us to life,” dagdag pa ni Cardinal Advincula, bilang pagpapaalala na ang kamatayan ay pintuan tungo sa kaganapan ng buhay sa piling ng Panginoon.

Binanggit din ng arsobispo na ang bokasyon sa pagpapari, buhay-relihiyoso, at maging ang buhay-pamilya ay mga paraan ng pagpapadama ng pag-ibig ng Diyos sa sambayanan.

“Parenthood, priesthood, and religious life are living sacraments of God’s unconditional hospitality. We are temples of God’s presence in the world today, yet our life of continence points to our conviction of eternal life,” ayon pa sa kanya.

Dagdag ni Cardinal Advincula, ang pinakamainam na paraan upang parangalan ang mga yumaong pari ay ang ipagpatuloy nang buong sigasig at pag-asa ang misyong kanilang sinimulan.

“The finest tribute we can offer our departed priests is to carry forward the mission they began with zeal and hope,” giit ng kardinal.

Dumalo sa misa ang mga pari, madre, relihiyoso, at ilang kawani ng arkidiyosesis. Matapos ang liturhiya, nag-alay ng panalangin at nagbigay ng basbas si Cardinal Advincula sa columbarium ng San Carlos Seminary Complex, kung saan nakahimlay ang ilan sa mga namayapang obispo at pari ng Archdiocese of Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 19,521 total views

 19,521 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 43,837 total views

 43,837 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 79,627 total views

 79,627 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 121,198 total views

 121,198 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 173,232 total views

 173,232 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top